29 C
Manila
Huwebes, Hunyo 18, 2026

Cayetano, muling inihain ang Health Passport System bill para sa mas maayos na serbisyong medikal

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING inihain ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Huwebes ang panukalang batas na magtatatag ng National Health Passport System.

Ito ay para mabigyan ang bawat Pilipino ng maayos, kumpleto, at pinag-isang rekord ng kanilang kasaysayang medical — isang  hakbang na layong palakasin ang access sa serbisyong pangkalusugan sa buong bansa.

Unang inihain noong 2000 nang siya’y kinatawan pa ng Taguig sa Kongreso, muli itong ipinanukala ni Cayetano sa Ika-20 Kongreso upang bigyang diin ang kahalagahan ng madaling ma-access at tamang dokumentasyon sa kalusugan.

“For Filipinos in general, it is not a usual practice to keep such documentation — whether of previous check-ups, diagnostic test results, medications, treatments, and procedures done, among others,” paliwanag ni Cayetano sa panukala.

“Thus, assisting Filipinos in record keeping and making medical history available should also be given emphasis and priority by the government,” dagdag niya.

Layon ng Health Passport System Act na bigyan ang bawat mamamayan ng pisikal o digital na “health passport” na konektado sa kanilang PhilSys National ID. Nakalagay dito ang buod ng kanilang kasaysayang medikal at dental, resulta ng laboratoryo, rekord ng bakuna, mga niresetang gamot, at iba pang mahahalagang datos tungkol sa kalusugan.

Ayon kay Cayetano, ang pagkakaroon ng health passport ay makatutulong sa parehong pasyente at doktor upang magkaroon ng malinaw na larawan ng kondisyon ng pasyente na posibleng maging kritikal lalo na sa oras ng emergency.

“Medical data recorded in the health passport cautions the patient to be aware of his congenital or hereditary illness consistent with the saying that to be forewarned is to be forearmed,” wika niya.

Aniya, hindi lamang para sa personal na benepisyo kundi makatutulong din ang sistema para sa mas maayos na pagpaplano ng mga serbisyong pangkalusugan at para maiwasan ang paulit-ulit na mga diagnostic test.

“Recording of the results of these tests to one’s health passport will guide physicians in making proper diagnosis, give other physicians a better perspective of the medical history of the patient, and prevent duplication of tests being done on the same patient,” wika niya.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng libre at komprehensibong medical check-up kada taon para sa lahat ng indigent o disadvantaged Filipinos — kabilang ang physical at dental examination, mga diagnostic test, bakuna, at screening para sa iba’t ibang sakit — na isasagawa sa public healthcare facilities at sasagutin nang buo ng Department of Health (DOH) at PhilHealth.

Kailangan ding iparehistro ng mga magulang ang kanilang bagong silang na anak sa sistema, habang papatawan naman ng mas mahigpit na parusa ang mga hindi tumutupad sa mga requirement sa kalusugan ng bata.

Mahigit dalawang dekada matapos ang unang pagsasampa ng panukala, umaasa si Cayetano na sa wakas ay maisasabatas na ito.

“This representation looks forward to seeing this proposed legislation finally come to fruition during this Congress,” wika niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -