MARIING sinabi ni Senator Migz Zubiri na “Parang lugi ata tayo ah, 19% ang export tariff natin sa mga Filipino products papunta ng US tapos sila walang taripa papasok dito. Naku kawawa ata mga magsasaka natin pag bumaha ng manok, baboy at karne dito sa Pilipinas. Baka mamamatay din ang industriya ng mais dito sa atin.
“Buti pa ata ang Japan 15% lang tapos babayad din ang mga Kano ng 15% papasok sa kanila. Dapat naman kung tinatrato tayo ng USA bilang treaty ally eh di ganon narin sana sa Japan yung nakuha nating mga taripa.”



