29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Marcoleta: Oversight power, dapat igiit ng Kongreso para isalba ang agrikultura

- Advertisement -
- Advertisement -

PARA kay Senate Deputy Majority Leader Rodante Marcoleta, panahon na para igiit ng Senado at Kamara ang kanilang oversight function upang iangat ang kalunos-lunos na kalagayan ng agrikultura at mga magsasakang Pilipino.

Sa kanyang interpelasyon sa talumpati ni Senador Raffy ‘Idol’ Tulfo noong Lunes ng gabi, ipinunto ni Marcoleta — isang  abogado at anak ng magsasaka mula Paniqui, Tarlac — na  maraming magagandang batas sa agrikultura ang ‘di naman talaga naipatutupad.

Natengga na aniya ang mga batas na ito, habang sinasalanta naman ang mga magsasaka sa pagbaha ng murang imported na bigas dulot ng Rice Tariffication Law. (Republic Act 11203)

“Halimbawa, mayroon po tayong batas…na doon ay nagkaroon ng mandato na bigyan natin ng ‘guaranteed price’ ang palay. Ngunit hindi natutupad. Hindi nangyari,” ani Marcoleta. “Let us revisit that.”

Sabi pa ng Deputy Majority Leader, humingi ng saklolo sa kanya kamakailan ang mga grupo ng magsasaka mula lalawigan ng Tarlac at Pampanga.

“Halos umiiyak sila sapagkat ang bagong gapas na palay ay binibili na lamang between P7-8 per kilo. Ang nabilad naman, P11-12 pesos per kilo,” binanggit nya kay Senador Tulfo.

“Mayroon din po tayong batas na nagpanukala [na] lahat po ng makinarya [at] equipment na gagamitin po ng ating magsasaka ay dito na lamang sa ating bansa gagawin. Batas po yun. Kailanman hindi nagkaroon ng katuparan. Hanggang ngayon po, nag-iimport tayo,” pagpapatuloy ni Marcoleta.

“Mayroon din po tayong batas na nagsabi, kung hindi po ako nagkakamali, dito sa Fisheries and Agriculture Modernization Act, kung saan po dedicated po yung mga lupa na kailangan pagtaniman,” idiniin nya. (Note: RA 8435)

Malinaw aniya sa naturang batas na hindi pwedeng basta i-convert o i-reclassify ang mga lupang agrikultural. “Ngayon ang reclassification, conversion ng mga lupa, kaliwa’t kanan na po ang nangyayari. Isang araw po gigising tayo, baka wala na po tayong mapagtamnan. Kahit kangkong na lang,” babala ni Marcoleta.

Binuhay din ng senador ang usapin ukol sa Agri-Agra Reform Credit Act of 2009 o Republic Act No. 10000. Sa ilalim ng batas, dapat aniya ay 25% ng ‘loanable fund’ ng mga bangko ay ipapahiram sa mga magsasaka. Pero napapaikutan umano ito ng mga pribado at pampublikong bangko.

“Gumawa po sila ng paraan para maiwasan ito. Ibinigay sa mga mangungutang na kunwari related sa agriculture. Doon po napunta, kaya napakaraming warehouse po na nangyari,” paliwanag nya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -