“Ngayon, mayroon na kayong malalapitan.”
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglulunsad ng sumbongsapangulo.ph, kung saan direkta nang mare-report ng mga mamamayan ang mga isyu sa flood control projects ng pamahalaan.

Ibinahagi rin ni PBBM ang mga resulta ng paunang imbestigasyon sa mga proyektong kontra-baha mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2025. Ito’y alinsunod sa kanyang utos sa SONA 2025 upang hindi na maulit ang matinding pagbahang nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
I-report ang mga isyu sa flood control projects sa inyong lugar.
Bisitahin ang www.sumbongsapangulo.ph, hanapin ang inyong barangay, bayan, o probinsya, at magpadala ng video o larawan, kasama ang maikling paliwanag ng problema.



