NAGLAAN ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kabuuang P 67.9 bilyon sa 2026 sa Judiciary upang palakasin ang paggawad ng hustisya sa bansa at makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa mamamayang Pilipino.


“A total of P 67.9 billion is allocated for the Judiciary and P 43.6 billion for the Department of Justice (DOJ) as we work towards building a fair, efficient, accessible and improved justice system,” saad ng Pangulo sa kanyang Budget Message.
“We support President Bongbong Marcos’ objectives of strengthening our Judiciary system. And so, for next year, we will ensure to provide adequate and sustained funding for programs that aim to protect our citizens’ rights and allow the timely delivery of justice,” pahayag ni Sec. Amenah.
Sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program, mula sa kabuuang budget para sa Judiciary, ang mga halaga ay ilalaan para sa kanilang Adjudication Program: P32.4 bilyon ay mapupunta sa Korte Suprema at sa Lower Courts; P1.6 bilyon para sa Court of Appeals; P710 milyon para sa Sandiganbayan; at P306 milyon para sa Court of Tax Appeals.
Ang Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027, ang long-term reform program ng Korte Suprema, ay bibigyang-suporta sa halagang P5.2 bilyon.
Upang magtatag ng apat pang karagdagang justice zones sa 2026, nasa kabuuang P176 milyon ang ibibigay para sa Korte Suprema, sa ilalim ng Justice Sector Convergence Program nito, upang makatulong din sa pagbabawas ng backlog ng mga kaso at pagpapahusay ng synergy sa mga ahensya.
Ang pondo para sa pagtatayo, pagkukumpuni, at rehabilitasyon ng Halls of Justice sa buong bansa ay itinaas sa P 2.7 bilyon, na tumaas ng 273.3 porsiyento mula sa P720 milyon na alokasyon nito sa 2025. Sinasaklaw nito ang unang taong funding requirement para sa pagtatayo ng Manila Hall of Justice.



