28.9 C
Manila
Lunes, Hunyo 8, 2026

Imee: ‘Wag kalimutan yung halos trilyong pisong inutang para sa ghost flood control projects

- Advertisement -
- Advertisement -

“Marami sa mga flood control ng Unified Project Management Office (UPMO) ay ghost projects, talagang gatasan, at ang balita, palakasan ang umiiral dito para makakuha ng milyon-milyong project.”

Ito ang matapang na pahayag ni Senator Imee Marcos kay bagong DPWH Secretary Vince Dizon matapos niyang ibunyag na halos ₱1 trilyon na ang nagastos sa mga foreign-assisted flood control project sa loob ng 10 taon, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na resulta.

Binira ng senadora ang ahensya dahil walang maipakitang malinaw at maayos na listahan ng mga proyekto, lalo na sa mga pangunahing ilog at baybayin na matagal nang binubuhusan ng pondo.

“Pangalan ng Pilipinas ang nakataya rito, pero hanggang ngayon wala pa ring report kung ano ang accomplishments, at mga assessment ng mga proyekto para sa CDO River, Pampanga Bay, at Pasig-Marikina. Sa NCR pa lang, bilyon na ang linustay,” giit ni Marcos.

“Pero sa foreign assisted, this year alone, 16 bilyon bigla ang hinihingi sa GAA. Mula sa dating ₱9 bilyon, biglang lumobo sa ₱16 bilyon ang pondo ngayong 2025,” dagdag pa ng senadora.

Ayon kay Senadora Marcos, matagal na niyang hinihingi ang kumpletong accomplishment report ng UPMO ngunit hindi pa rin kumpleto ang isinumite sa Senado noong Huwebes, Setyembre 18. “Paulit-ulit akong humingi mula first hearing hanggang ngayon. Wala silang maipakita. Kapag tinanong kung nasaan, naka-leave o resign ang sagot. Halatang may tinatago,” aniya.

Kwinestyon din ng senadora ang bisa ng mga flood control projects, sa kabila ng laki ng pondo na inilaan dito. “Bakit sa kabila ng bilyong ginastos natin dito, ₱80.45 bilyon na nga, bakit bahang-baha pa rin ang Metro Manila?”

Bilang tugon, naglatag si Marcos ng sariling #IMEEsolusyon upang matigil ang pagsasayang ng pondo. Dapat magkaroon nang malinaw na abiso sa LGU bago ipatupad ang proyekto na may kasamang konsultasyon sa mga lokal na opisyal, at masinsinang koordinasyon para matiyak na hindi lang mauuwi sa ghost projects ang pondo ng bayan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -