33.6 C
Manila
Linggo, Hunyo 7, 2026

Palpak na construction ng Aganan Flyover, binunyag ni Sen. Raffy

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINIWALAT ni Senate Committee on Public Services Chairperson Sen. Raffy Tulfo ang nakatiwangwang at palpak na konstruksyon na nagdudulot ng perwisyo sa mga residente ng Iloilo. Ito ay ang Aganan Flyover na may total budget na ₱802 million. Sa katunayan, marami na ring LGU officials ang nagsumbong kay Sen. Raffy ukol rito.

Sa kalagitnaan ng pagdinig ng nasabing komite kahapon, September 18, nauna nang tinalakay ang mga palpak na mga proyekto ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Zamboanga Passenger Terminal at DPWH sa General Santos City.

Naigawad ang soil testing ng Flyover sa technical consultancy firm na United Technology Consolidated Partnership (UTCP). Ito rin ang nasabing firm na nagdisenyo at nakipag-joint venture sa nasirang Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela noong Pebrero 27.

Ayon mismo kay Engr. Lara Esquibil, OIC ng DPWH Central Office Bureau of Design, nagkaroon daw ng discrepancy o maling pagsusuri sa lalim ng pundasyon ang UTCP sa Aganan na hindi inaprubahan ng kanilang kagawaran kaya naman bukod sa patuloy itong nadedelay dahil sa kawalan ng aksyon ng UTCP ay patuloy din itong nagdudulot ng matinding trapiko sa mga motorista at komyuter sa Iloilo.

Nasimulan ang proyekto noon pang July 6, 2020 at may target completion date dapat sana ng 24 buwan o dalawang taon lamang ngunit hanggang ngayon ay nakatengga at hindi pa rin ito napapakinabangan.

Ang mas matindi, ibinulgar pa ni Sen. Raffy na mula sa ₱802 million total contract price ay ₱308 million na lamang ang natitirang budget para sa flyover. At balita pa ni Sen. Idol, aabot pa sa karagdagang ₱275-₱300 million ang karagdagang pondo na kailangan pang gastusin dahil sa revisions sa Aganan Flyover project na siya namang kinumpirma ni Esquibil na posible ngang mangyari ito bunsod ng maling soil testing ng UTCP.

Dahil dito, mahigpit na pinaalalahanan ni Sen. Tulfo si Esquibil na bago naaaward sa mga contractor at consultancy firm ang mga kontrata ay dapat sumasailalim ang mga ito sa istriktong background checks nang sa gayon ay lubos na masiyasat kung talaga bang capable silang gawin ang isang proyekto na lubos na sinang-ayunan ni Esquibil.

Inirekomenda rin ni Sen. Raffy na ikompyut na dapat ng DPWH ora mismo ang mga liquidated damages mula sa mga delay na siyang dapat singilin sa UTCP na siya ring sinang-ayunan ni Esquibil at sinabing gagawin nila sa lalong madaling panahon.

Bilang pagtitiyak na aaksyon si Esquibil sa mga naging rekomendasyon ni Sen. Idol, ipinagsusumite niya ito ng comprehensive investigation at status report ng proyekto sa susunod na pagdinig ng komite.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -