26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Gatchalian suportado ang PCG, itinutulak ang mas mataas na subsistence pay sa gitna ng tensyon sa West PH Sea

- Advertisement -
- Advertisement -

ITINUTULAK ni Senador Win Gatchalian na palakasin ang mga kakayahan at operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Gatchalian na titingnan niya ang posibilidad na taasan ang subsistence allowance ng PCG dahil ₱150 kada araw lamang ang tinatanggap ng mga tauhan ng Coast Guard kumpara sa ₱350 na tinatanggap ng ibang uniformed personnel.

Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mataas na morale sa hanay ng PCG, lalo na’t nahaharap sila sa pangha-harass at iba pang mga mga hamon habang nagpapatrol sa West Philippine Sea.

“Kahit na challenging ang situation, ang importante ay ma-sustain natin ang high morale ng ating mga kasamahan sa Coast Guard,” pahayag ni Gatchalian sa isang Senate budget hearing kamakailan hinggil sa budget hearing ng PCG.

“Ipinapaabot ko ang aking pasasalamat, pagpupugay, at buong suporta sa Philippine Coast Guard. Sa tuwing nagpapatrol kayo sa West Philippine Sea, hindi lamang buhay ninyo ang inilalagay ninyo sa panganib, kundi ipinaglalaban din ninyo ang ating soberanya,” sabi ni Gatchalian.

Binigyang-diin din ng mambabatas na ang misyon ng PCG ay lagpas pa sa national borders. “Ang ginagawa ng PCG ay hindi lamang para sa Pilipinas kundi sa buong ASEAN. Anuman ang nangyayari sa West Philippine Sea ay nakakaapekto sa buong rehiyon, pati na rin sa North Asia,” sabi ng senador.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -