27.9 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Ligtas at kumportableng modular shelters para sa earthquake survivors sa Cebu

- Advertisement -
- Advertisement -

BINALIKAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Oktubre 17 ang mga lugar na tumamo ng pinakamalaking pinsala mula sa September 30 Cebu earthquake upang masigurong naipadala na ang karagdagang tulong, sang-ayon sa kanyang naunang direktiba.

Sa San Remigio, naipatayo agad sa loob lamang ng ilang araw ang Tent City na mayroon nang 150 tents para sa 250 na pamilya, habang nai-turnover na rin ang 20 na mas matibay at maginhawang modular shelter units sa Bayanihan Village sa parehong lugar.

Maliban sa tulong pinansyal mula sa pamahalaan, kumpleto rin sa pagkain, water and sanitation facilities, at wellness services gaya ng medical consultation, at mental health and psychological support, ang mga pansamantalang naninirahan sa dalawang lugar.

Cebu Provincial Hospital ideneklara nang ‘structurally safe’

Samantala, idineklara nang “structurally safe” ang Cebu Provincial Hospital, dalawang linggo matapos ito unang bisitahin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Inaasahang matatapos ngayong Oktubre ang pagkukumpuni ng mga pasilidad nitong nasira ng 6.9 magnitude na lindol.

Kasama ang DOH at DPWH, muling pinuntahan ng Pangulo ang ospital upang tiyakin ang kahandaan nito bago ito buksan. Ipinag-utos ni PBBM ang pagpapabilis ng rehabilitasyon upang agad na maibalik ang normal na operasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente, healthcare workers, at mga kawani ng ospital.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -