33.3 C
Manila
Sabado, Hunyo 20, 2026

Lacson: Laban vs katiwalian dapat para sa lahat ng Pilipino, hindi lang sa negosyante

- Advertisement -
- Advertisement -

DAPAT tiyakin ng pamahalaan na ang kampanya laban sa katiwalian ay hindi lamang tumutugon sa panawagan ng mga negosyante kundi sa kapakanan ng pangkaraniwang Pilipino na walang takas sa pagbabayad ng buwis — kabilang  na ang 12% value-added tax (VAT), ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Lunes.

Binigyang-diin ito ni Lacson matapos lagdaan ng 34 na grupo ng mga negosyante ang isang resolusyon na nananawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad kumilos laban sa katiwalian — isang  suliraning inilarawan nila bilang hindi lamang pagkalugi sa pananalapi kundi isang malubhang paglabag sa tiwala ng publiko.

“I couldn’t agree more with the business sector except that they should not only be speaking on their behalf but for the tens of millions of individual taxpayers including every Filipino that cannot escape the 12% VAT or consumer tax that we all pay in exchange for goods and services that we deal with on a daily basis,” ayon kay Lacson, na matagal nang kilalang mahigpit na kalaban ng katiwalian.

Kabilang sa mga suhestiyon ng mga grupo sa pamahalaan ang pagbibigay ng ganap na awtoridad at kalayaan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) mula sa impluwensiyang pampulitika; pagpaparusa sa lahat ng responsable anuman ang katungkulan o ugnayang pampulitika; pagpapatupad ng mga repormang institusyonal; pagbabalik ng mga nakaw na yaman at pondong ibinulsa; at pagpapatibay ng mga sistema sa procurement at oversight.

Idiniin din ni Lacson na hindi dapat humupa ang galit at pagbabantay ng publiko laban sa katiwalian, dahil maaaring muling lumakas ang loob ng mga tiwaling opisyal kapag nakita nilang bumaba ang antas ng pag-iingat ng mga Pilipino.

Nauna nang inilahad ni Lacson sa dalawang privilege speech ang lawak ng katiwalian sa mga proyektong pang-flood control, kabilang ang pagsusugal sa casino ng ilan sa mga sangkot, gamit ang pondo ng bayan.

“In the midst of all the acts of corruption being exposed on a regular basis that seem to cut across almost all implementing agencies entrusted with public funds, we should sustain the momentum of guarding against any and all shenanigans by monitoring and reporting the same, if not to the concerned authorities, directly to the Filipino people so those responsible may be shamed, prosecuted and put behind bars,” ani Lacson.

“Lowering our guard, and worse, forgetting after reaching this far in terms of awareness and inciting public anger is no longer an option,” dagdag niya.

More at: https://pinglacson.net/2025/10/20/lacson-governments-fight-vs-corruption-must-be-for-all-filipinos-not-just-business-sector/

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -