27.3 C
Manila
Biyernes, Hunyo 19, 2026

Mga pangyayari bago humantong sa impeachment trial ni VP Sara

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINAGAWA kahapon, Hunyo 18, 2026 ang pre-trial conference, ang pinakahuling step bago ang pormal na paglilitis kay Vice President Sara Duterte sa Senate Impeachment Court na nakatakda sa Hulyo 6, 2026.

Larawan mula sa Facebook page ni Inday Sara Duterte

Ang pre-trial conference ay isinasagawa upang maiayos ang impeachment trial at maiwasan ang mga delay sa oras na sinimulan na ang trial.

Sa naganap na kumperensya nagharap ang House Impeachment Team at House Prosecution panel kung saan pinag-usapan ang mga administratibong bagay at sinimulan na rin ang pagmamarka ng iba’t ibang dokumento.

Dumalo din ang mga private prosecutors na tutulong sa House prosecutors, maging ang defense panel.

Si Atty. Renato Bantug Jr., clerk ng Impeachment Court at Senate secretary, ang nanguna sa pre-trial conference.


Samantala, nilinaw ni Atty Michael Poa, isa sa mga legal counsel ni VP Sara na hindi naman mainit ang naganap na pre-trial na hindi bukas sa media. May ulat na nagkainitan ang ilang mga abogado sa magkabilang panig pero ipinaliwanag niyang normal ang mga ganitong diskusyon sa ordinaryong korte.

Itutuloy ang pre-trial conference sa Lunes, Hunyo 22, 2026.

Samantala, balikan natin ang mga pangyayari bago umabot sa araw na ito.

Nagsimula ang impeachment mula sa botohan sa House papunta sa Senado sa loob ng halos isang buwan mula Mayo 11 hanggang Hunyo 15, 2026.

- Advertisement -

Abril 29 nang desisyunan ng House committee on Justice na may “sufficient ground to impeach Duterte.”

Sa botong 257 laban sa 25 at Siyam na abstentions, bomoto ang House of Representatives para ma-impeach si Duterte noong Mayo 11.

Noong Mayo 14, pormal na ipinadala ng House ang apat na Articles of Impeachment sa Senado na tinanggap ni Secretary General Cheloy Garafil.

Mayo 18 nag-convene ang Senate Impeachment Court at nanumpa ang senator-judges na nakasuot ng pulang robe at pormal na binuksana ng trial at sinabihan si Duterte  na sagutin ang mga paratang sa kanya. Binigyan siya ng deadlina na uHunyo Hunyo 1, hanggang ika-7 ng hapon ng Lunes.

Nag-file ang mga abogado ni Duterte ng tugon at humiling na i-dissmiss ang mga articles of impeachment sa kanya.

Noong Hunyo 15, nagsumite ang House prosecution panel at ang kampo ni Duterte ng kanilang pre-trial briefs sa Senado kasama ang mga summary ng mga witness, ebidensya at mga argument.

- Advertisement -

Sa ilalim ng Konstitusyon, nangangailangan ng two-thirds vote ng lahat ng miyembro ng

Senado para ma-convict ang nasasakdal. Ang ibig sabihin kailangang may 16 sa 24 na senador ang boboto ng pabor sa impeachment.

Kapag siya ay nahatulan, matatanggal si Duterte bilang ikalawang pangulo ng bansa at permanenteng hindi na makatatakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.

- Advertisement -
Previous article
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -