26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Liwanag ay Atin

- Advertisement -
- Advertisement -
ANG “Liwanag ay Atin” ay isang orihinal na awitin na taos-pusong nilikha ng kawani ng Office of the Vice President (OVP).
Sa pamamagitan ng awiting ito, layunin ng Christmas Institutional Video na balikan at ipagdiwang ang mga nagawa at patuloy na ginagawa ng OVP sa tapat at malasakit na paglilingkod sa lahat ng Pilipino.
Ipinapakita nito ang sama-samang pagsisikap, pag-asa, at liwanag na hatid ng serbisyo publiko—isang paalala na sa kabila ng mga hamon, ang liwanag ay nananatiling atin bilang isang bayan, lalo na sa diwa ng Pasko.

Narito ang kabuuan ng awit na Liwanag ay Atin:Simoy ng hangin, may dalang bagong pag-asa,

Sa ating bayan, may tinig na nagkakaisa,

Pangako ng bukas na hindi na nag-iisa

Ang bawat sulok, ngayon ay may ningning,

Puso ng serbisyo, ang sa atin ay dumating.

Pasko na! Ating awitin, Liwanag ay atin!

Isang sulo ng pag-asa, sa dilim, may tanglaw rin!

Ang tunay na diwa ay pag-abot ng tulong,

Sa bawat Pilipino, walang naiiwan, walang nalulungkot.

Hindi na mahirap ang paghingi ng tulong,

Ang pintuan ay bukas, sa bayan ay alay

Sa bawat kabuhayan, may binhing itinanim,

Basta’t magkasama, magaan ang bawat araw,

Tagapaglingkod na tapat, sa ngalan ng masa.

Mula sa puso namin, hanggang sa inyong tahanan,

Bisig na malakas ang hatid sa oras ng pagsubok

Ngayong Pasko, pag-ibig ang sukli,

Sa bawat hakbang, ang kapwa ay kasali.

Pasko na! Ating awitin, Liwanag ay atin!

Isang sulo ng pag-asa, sa dilim, may tanglaw rin!

May karamay, may pag-ibig na gabay,

Ito ang Paskong tapat — handog sa bawat Pamilyang Pilipino!

Kopyahin ang link sa ibaba para marinig at mapanood ang awiting Liwanag ay Atin.

https://www.facebook.com/reel/2431548487243332

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -