MARIING sinabi ni Sen Bam Aquino na hindi lalagda ang Senado sa budget na overpriced. Narito ang kanyang pahayag tungkol dito.
“SA gitna ng usapin sa 2026 national budget at ng mga isyung lumutang sa flood control projects, malinaw ang aming paninindigan: ang pera at pinaghirapang buwis ng taumbayan, dapat ay mapunda sa mga proyektong may tamang presyo Kaya nga tayo nandito ngayon—dahil may mga proyektong na-overpriced at may mga ghost projects.
“Kung ang 2025 budget ay tinawag na isa sa pinakamalalang budget sa kasaysayan ng Pilipinas, ang 2026 budget ang pagkakataon nating gawin ang tama.
“Ang tungkulin ng Senado ay tiyaking ang bawat pisong ginagastos ay napupunta sa tama—lalo’t ang pambansang budget ang pinakamahalagang batas na nagtatakda kung saan mapupunta ang pondo ng bayan.Sa huli, ito ay tungkol sa wastong paggamit ng pondo at sa pagpigil sap ag-uulit ng korapsyon. Ang pera ng bayan ay dapat ginagastos nang tapat, malinaw, at may pananagutan.”



