SA pagbubukas ng Cagayan Provincial Athletic Association (CPAA) Meet sa Camalaniugan Sports Complex, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kabataang atleta na isabuhay ang disiplina, camaraderie, at sportsmanship.

Ayon sa Pangulo, ang sports ay nagtuturo ng mahahalagang aral sa buhay mula sa pagtitiyaga at pagbangon sa pagkatalo hanggang sa pakikipagkapwa-tao.
“Patuloy pa rin ang palakasan dahil ito ang pinakamagandang training para sa ating mga kabataan dahil natututo tayo ng disiplina, natututo tayo ng camaraderie. Natututo tayo at kung paano pagka kahit na medyo nadapa ay babangon ulit para manalo ulit, para maging champion,” sabi ng Pangulo.
“Kaya ipagpatuloy natin ito. We will continue to encourage sports amongst our young people because as far as I’m concerned, there is no downside to sport. Lahat ng makukuha ninyo, lahat ng mga ugali, lahat ng mga leksyon na matututunan ninyo dahil kayo ay sumasabak sa palakasan… ay magagamit ninyo sa inyong mga buhay. Makakatulong sa inyo,” dagdag ng Pangulo.
“Dati, ang DePEd, ang tawag diyan DECS – Department of Education, Culture and Sports. Tinanggal ang sports sa eskwelahan. Dahan-dahan nating binabalik sa eskuwelahan at para lahat ng ating kabataan ay nakakaranas ng sport, nakakapagpalakas ng katawan, at matututo paano makisama sa ibang team at ibang tao,” sabi ni Pangulong Marcos.
The CPAA Meet runs from January 7 to 10, while the official opening is set on January 8 at the Camalaniugan Sports Complex.
Organized by the DepEd Schools Division Office Cagayan, the event is supported by the Camalaniugan local government and the Cagayan provincial government.
The CPAA Meet serves as an avenue for the selection of provincial entries to the region-wide Cagayan Valley Regional Athletic Association Meet which will be conducted in April 2026.
The Regional Sports Meet is a prelude to the Palarong Pambansa in May 2026. | PND

