29 C
Manila
Huwebes, Hunyo 18, 2026

Mga reaksyon sa pagdeklara ni VP Sara sa pagtakbo bilang pangulo sa 2028

- Advertisement -
- Advertisement -

UMANI ng iba’t ibang reaksyon ang pagdeklara ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siya bilang pangulo sa taong 2028 sa isinagawang press briefing sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa Mandaluyong kahapon, Miyerkules, Pebrero 18, 2026.

Naglabasan ang iba’t ibang kulay at pagtatasa sa kanyang “di gaanong nakagugulat na anunsyo” ayon sa isang political analyst.

Epektibong paraan

Ayon kay Octa Research founder Ranjit Rye sa ulat ng The Manila Times, ang pagdeklara ni VP Sara na siya ay tatakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa 2028 ay hindi nakakagulat at idinagdag na epektibong paraan ito para maprotektahan siya sa pagbagsak bilang pulitiko dahil sa nakaambang impeachment trial laban sa kanya.

Sabi niya, ang ginawa ni VP Sara ay “effectively shielding herself from the political fallout.”


“The impeachment proceedings can now be framed as part of an electoral-political contest,” paliwanag niya. “Rather than seeing the impeachment as a purely political accountability process, it’s seen as a process of persecution against her.” Sinabi rin niya na ang paggamit ng wikang Bisaya ay pakikipag-usap niya sa kanyang mga tagasuporta, na lalong nakapagpalakas ng kanyang pahayag.

“Any aggressive move against her can now be interpreted by her supporters as an attempt to persecute her,” sabi ni Rye na isa ring assistant professor sa University of the Philippines (UP) Department of Political Science.

Hinimok niya ang oposisyon na kaalyado ng Liberal Party na magsalita tungkol sa “accountability and good governance.”

“The announcement is a very good opportunity for the opposition to consolidate and build a strong coalition around a viable [candidate], and it is important for someone to speak on the anti-Duterte coalition,” suhestyon niya.

- Advertisement -

Isang sugal

Sa kabilang banda, nakikita naman ng isa pang political analyst na si UP Political Science faculty na si Jean Encinas-Franco na ang ginawa ni VP Sara ay isang pagsusugal.

“Normally, if you announce early, you will be bombarded with issues. Maybe she is thinking that there will be accusations left and right that won’t be new to her,” sabi ni Franco sa One PH television sa isang panayam.

Kalinya kahit di kapartido

Sa kabilang banda, sinabi ng tagapagsalita ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na ang pagdeklara ni  Duterte nang pagtakbo bilang pangulo ay kanilang inaasahan kahit hindi nila ito miyembro sa partido.

Ayon kay PDP deputy spokesman Ferdinand Topacio ang mga prinsipyo ni  Duterte ay akma sa limang pangunahing “tenets” ng Partido: pananampalataysa sa Panginoon, pagpapalakas ng dignidad ng tao, maliwanag na nasyonalismo, kaunlaran para sa lahat at demokrasya kung saan lahat ng tao ay makikibahagi.

- Advertisement -

Iba pang pagtatasa

Ayon kay Michael Henry Yusingco, senior research fellow sa Ateneo Policy Center, ang pagdeklara sa pagtakbo ay isang “big risk,” subalit ang solid base ni Duterte sa malakas na Mindanao ay tunay na kalamangan.

“Conventional thinking would say she has the best chance of winning. Survey numbers are in her favor,” sabi niya subalit maaaring ang kawalan ng kanyang ama ay maaaring magpahina sa kanyang mga tagasuporta.

Samantala, sinabi ni Cleve Arguelles, pangulo ng WR Numero Research, na ang pagdeklara ni Duterte ay paalala sa kanyang mga kaalyado sa panahon ng “political uncertainty.”

“By projecting an inevitable 2028 run, she raises the perceived cost of defection — reminding politicians in Congress that her faction could still return to power,” paliwanag niya.

Layon ng pagdeklara ng “a clear line among those who are with her or against her, given the ICC and the impeachment [cases],” sabi ni Jean Franco, political science professor sa University of the Philippines.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -