ISINULONG ni Senadora Loren Legarda ang Senate Bill No. 1719 na nagdedeklara sa buwan ng Abril bilang Philippine Veterans’ Month, habang nagtatatag ng permanenteng pambansang balangkas upang parangalan ang mga beteranong Pilipino at matiyak ang tuluy-tuloy na access sa serbisyo at edukasyon.
Sa kanyang sponsorship speech noong Marso 4 sa plenaryo, binigyang-diin ni Legarda ang pangangailangang gawing institusyonal ang pagkilala sa mga beterano at ilipat ito mula sa seremonyal na paggunita tungo sa kongkretong serbisyo. Binanggit niya na ang panukalang batas ay idinisenyo upang maisabatas ang pamana ng mga beterano sa batas, sa mga silid-aralan, at sa pampublikong serbisyo.
“Scarcity changes perspective: when time is limited, gratitude can no longer be postponed. The proposed Philippine Veterans’ Month Act affords us the rare privilege of honoring our veterans not only in portraits and pages of history, but in person, while their stories can still be told in their own voices,” ani Legarda.
Binanggit ng apat na terminong senadora ang opisyal na tala na nagpapakita ng 464 na buhay na beterano ng World War II, 41 na natitirang miyembro ng Philippine Civic Action Group na naglingkod sa Vietnam, at 29 na beterano ng Philippine Expeditionary Forces to Korea—patunay ng kagyat na pangangailangan ng panukalang batas.
Ipinag-uutos ng panukalang batas ang magkakaugnay na pambansang aktibidad, mas matibay na pag-integrate ng kuwento ng mga beterano sa batayang edukasyon sa gabay ng Department of Education (DepEd), mga programang boluntaryo para sa kabataan, mas pinahusay na akses sa benepisyo at serbisyong pangkalusugan, at malinaw na koordinasyon ng mga ahensya na pinangungunahan ng Philippine Veterans’ Affairs Office (PVAO) at Department of National Defense (DND), katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), at DepEd.
“Sa pamamagitan nito, mapag-uugnay natin ang paggunita at pagkilala. Tuwing Araw ng Kagitingan, inaalala natin ang diwang hindi sumuko. Sa Philippine Veterans’ Month Act, pinalalawig natin ang pag-alalang ito sa buong buwan,” dagdag ni Legarda.
Ipinagdugtong pa niya ang panukala sa mga hamon ng kasalukuyan, kasabay ng pagbibigay-diin na ang pambansang pagkakaisa ay dapat nakaugat sa pag-alala at serbisyo.
“The tensions we see abroad—and the continued aggression in the West Philippine Sea—remind us that peace and security are fragile, and that love of country must be grounded in historical consciousness. This is why Philippine Veterans’ Month matters: it keeps the lessons of courage, duty, and sacrifice alive for the next generation,” ani Legarda.
Sa pagtatalaga ng Abril bilang buwan na nakatuon sa pagkilos, binabago ng panukalang batas ang paggunita sa mga beterano mula sa seremonyal na alaala tungo sa kongkretong tungkulin. Tinitiyak nito na ang pasasalamat ay naipapahayag sa pamamagitan ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at pampublikong serbisyo.
“I respectfully urge the immediate passage of this bill, so our gratitude is expressed both in law and in action,” pagtatapos ni Legarda.



