27.9 C
Manila
Lunes, Hulyo 13, 2026

CAVITEX C5 Link Segment 3B na mas magpapabilis ng biyahe, binuksan na ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -

BUKAS na ngayon ang CAVITEX C5 Link Segment 3B na inaasahang magpapabilis ng biyahe mula sa Parañaque City patungong Taguig City ng 15 minuto na lamang mula sa dating isa’t kalahating oras.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes ang inspeksyon ng pagbubukas ng connector road na magpapabilis ng pagbiyahe ng mga tao at kalakal, magbabawas ng gastos sa paglalakbay, at magpapagaan ng trapiko lalo na ngayong Semana Santa.

Ang bagong segment ay kumukumpleto sa lahat ng bahagi ng CAVITEX C5 Link na inaasahang daraanan ng humigit-kumulang 36,000 sasakyan araw-araw.

Ayon sa Pangulo, malaking tulong ito sa pagtitipid ng gasolina lalo na sa gitna ng tumataas na presyo ng langis dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan.

“Hindi maliit na bagay ang bawasan ang biyahe mula isa’t kalahating oras hanggang 15 minuto. Malaking savings ‘yan,” ayon sa Pangulo.

Kasama ni Pangulong Marcos sa inspeksyon sina DPWH Secretary Vince Dizon at DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez.

Ayon kay Dizon, may inaasahan pang ibang proyekto sa transportasyon, kabilang ang pagbubukas ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) na mag-uugnay sa Tarlac City at Cabanatuan City.

Libre ang toll fee sa Segment 3B mula Marso 30 hanggang Abril 30, 2026 upang matulungan ang mga biyahero ngayong Semana Santa. | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -