28 C
Manila
Sabado, Hulyo 25, 2026

Biyernes Santo at ang pagsasakripisyo

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG Biyernes Santo ang pinakamataimtim na araw sa Semana Santa na nagpapaalala sa pagpapakasakit, krusipiksyon at kamatayan ni Hesus sa Kalbaryo. Araw ito ng pagninilay, pananalangin, at pag-aayuno para sa mga Kristiyano.

Ang tinatayang 226 taong Santo Bangkay sa Infanta Pangasinan
Sa Pilipinas, tradisyon ang pagdaraos  ng Siete Palabras, prusisyon ng Sto Entierro at Visita Iglesia at iba pang tradisyon.
Ang Siete Palabras ay ang pagninilay sa pitog huling salita ni Hesus.
Samantala, ang Senakulo ay isang pagtatanghal kung saan inaalala ang paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesukristo
Ang prusisyon ng Sto Entierro ay tinatawag ding “libot” kung saan iginagala ang mga representasyon ng mga santo sakay ng mga karwahe na sinusundan ng mga Debo to na kung minsan ay nakayapak.
Isa pang gawain tuwing Biyernes Santo ay ang Visita Iglesia kung saan pitong simbahan ang binibisita para magdasal.
May ilan ding terminolohiya ang Semana Santa. Ang Sakripisyo ay ang pag-alaala sa pag-aalay ni Hesus ng kanyang bahay para sa mga kasalanan ng mundo.
Sa kabilang banda, ito rin ang panahon ng pagninilay at pagbabalik-loob kay Hesukristo.
Tuwing  Biyernes Santo, walang misa na ginaganap sa mga simbahan kundi vigil o pagbabantay kay Santo Bangkay habang nagdarasal.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -