28.6 C
Manila
Martes, Hulyo 7, 2026

Tugon ni Sen Pia Cayetano sa kanyang karanasan sa putukan sa Senado matapos ang privilege speech ni Sen Hontiveros

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang manifestation si Senator Pia Cayetano sa naganap na putukan sa Senado matapos magbigay ng privilege speech si Sen. Risa Hontiveros sa parehong insidente. Narito Ang kabuuan ng transcript ng manifestation ni Sen. Pia Cayetano.

“Mr. President, I also will not interpellate or make my own privilege speech today, as requested by the Senate President. I reserve my right to make the proper interventions at the time that the Senate President and our other colleagues agree upon.

“But I just want to make this quick statement. Parang walang nangyari. Yan po ang statement ng ating butihing Senadora Risa Hontiveros. Siguro po, para sa inyong mga wala dito, pero para sa amin na nandito, napakaraming nangyari.

“Takot na takot po ako na kailangan ko na magpaalam sa mga anak ko. At yung staff ko, dalawang pintuan ang pagitan ko sa putukan. Yung staff ko na si Claire na 20 years na sa akin, nandun siya sa labas. She has a 12-year-old son. Kinikwento niya sa akin lately na tumatakbo siya, hindi niya alam kung saan siya pumunta. Kaya para sabihin niyo na walang nangyari, napakasakit para sa amin lahat na nandito.

“And as I said, dalawang pintuan ang nagpo-protect sa akin sa putukan. Pero yung media, yung Senate staff, yung hindi naman makauwi dahil sila ang security, sila ang elevator women and boys natin, nandoon po sila. So dear colleagues, napakaraming nangyari. And one more thing, wala ho akong sinisisi. Pero nung pagkatapos ng lahat, pagtingin ko ng group natin, yung dating majority group, walang ni isa sa inyong nangumusta sa amin.

“Some of you I’ve known for 20 years, 10 years, and I didn’t even hear any of you say, kumusta na kayo dyan? Napakasakit po sa akin. Sobrang sakit. So yun lang ang masasabi ko. Yes, I am very ready to share my story, to ask questions. Pero kung wala ho kayo dito, huwag niyong kwestyunin yung mga nangyari sa mga nandito.

“Dahil nandito kami, kasama ng staff, staff namin, Senate staff. You have your own story, I respect that. But please respect my own story. Thank you, Mr. President.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -