27.9 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

Cayetano: Kinabukasan ng susunod na henerasyon ang nakataya sa mga desisyon ngayon

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYANG diin ni Senate President Alan Peter Cayetano nitong Martes na ang mga hakbang ng bansa sa gitna ng usapin ng korapsyon, kontrobersiya sa flood control projects, at mga isyung konstitusyonal na kinahaharap ng Senate leadership ay may direktang epekto sa kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

Ito ay kasunod ng paghain ng petisyon sa Korte Suprema ng kampo ni Cayetano na kinukwestiyon ang bisa ng quorum na idineklara noong sesyon ng Senado nitong June 3 at ang naging paghalal kay Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at pagtatalaga rito bilang Acting Senate President.

Giit ng kampo ni Cayetano, labag sa Konstitusyon at sa umiiral na mga alituntunin ng Senado ang naturang mga hakbang.

Sa isang Facebook Live, sinabi ni Cayetano na hindi lang ito usapin ng pulitika o mga personalidad kundi isang mas malalim na isyu na huhubog sa kinabukasan ng bansa.

“There are really seasons, there are really times na nasa crossroad ang bansa. At ‘pag hindi tayo kumilos, it will determine the future of the next generation,” wika niya.


Aniya, ang petisyon sa Korte Suprema ay hindi lamang tungkol sa liderato ng Senado kundi sa pagprotekta sa mga institusyon ng demokrasya at sa tamang pagpapatupad ng Konstitusyon.

“We have faith that the issue is something that is very important not only now but in the future. The issue will determine our kind of democracy, our kind of government,” wika niya.

Inihalimbawa rin niya ang mga mahahalagang yugto sa kasaysayan ng bansa at kung paano ito nakaapekto sa iba’t ibang henerasyon.

“EDSA 1 affected my generation. EDSA 2 affected the other generation. All these scandals, Napoles (pork barrel scam), ngayon flood control. How we handle it will affect the future generations,” wika niya.

- Advertisement -

Binigyang diin niya na ang korapsyon ay nananatiling isa sa pinakamalaking hadlang sa pag-unlad ng bansa dahil direktang naaapektuhan nito ang trabaho, edukasyon, kalusugan, at oportunidad ng mga Pilipino.

“For me, the promised land is a powerful, prosperous Filipino. The empowered Filipino,” wika niya.

Giit pa ng Senate President, dapat ipagpatuloy ang paghahanap ng katotohanan sa mga isyu ng umano’y iregularidad sa flood control projects sa kabila ng mga pressure at ingay ng politika.

Dagdag niya, ang mga panahon ng krisis ay pagsubok sa katatagan ng mga institusyon ng bansa, kaya’t mahalagang manatiling nakatuon sa prinsipyo at layunin.

“What we’re doing now will affect the generation that has yet to be born,” wika niya.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -