27.3 C
Manila
Huwebes, Hunyo 18, 2026

Privilege speech ni Sen Bam Aquino na kumikilala sa 2 atleta ng Ateneo

- Advertisement -
- Advertisement -

Mr. President, mga kababayan at kapwa ko Pilipino, noong ikawalo ng Hunyo, dalawang kabataan na puno ng pangarap, dalawang atleta ng Ateneo de Manila University Men’s Basketball Team—sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili—ang binawian ng buhay sa isang off-campus activity sa Aurora.

Noong nakaraang Huwebes, nabisita ko po ang mga magulang ni Rene. Sa gitna ng lungkot, dalamhati, at galit, iisa po lang ang kanilang hiling: ang katotohanan. Ano ba talaga ang nangyari sa kanilang anak? At ang pangako ko po, kung ito nangyari sa kahit sino sa atin, ito rin naman ang hihingin natin… at higit pa dito.

Ang trahedyang sumapit kina Rene at Divine ay nangangailangan ng kalinawan at katotohanan. At para sa magulang, pamilya, kaibigan at komunidad ni Rene at Divine, posibleng maging espasyo ang Senado upang lumabas ang katotohanan sa mga pangyayari sa araw na iyon.

Sa pagdinig na ito, suriin po rin natin ang kasalukuyang polisiya ng DepEd, CHED, at mga sports and athletics rules, regulations, and standards nito. At ang mga lalabas mula sa pandinig natin ay maari rin makadagdag sa ating panukala na Safer Schools Act.

Kaya’t hinihiling po namin na atasan ang Committee on Basic Education na isagawa ang isang pagdinig at pagsisiyasat ukol sa trahedyang ito. Para sa katarungan, para sa kaligtasan, at para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. At siyempre, para kina Rene at Divine.


Maraming salamat po.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -