27.3 C
Manila
Huwebes, Hunyo 18, 2026

Libreng kolehiyo patatatagin; prayoridad sa mga pinakamahihirap na mag-aaral pinatitiyak ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

TINIYAK ni Senate President Win Gatchalian na mabibigyan na ng prayoridad bilang benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) ang mga mag-aaral sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ratipikado na ng Senado ang bicameral conference committee report ng Senate Bill No. 1894 at House Bill No. 8476, isang panukalang batas na naglalayong amyendahan at palakasin ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act No. 10931). Itinatag ng naturang batas ang TES program, na tumutulong sa mga estudyanteng tustusan ang kanilang mga pangangailangan sa edukasyon tulad ng mga aklat, transportasyon, tirahan, internet access, at iba pa. Si Gatchalian ang isa sa mga may akda ng ratipikadong panukala.

Para mabigyan ng prayoridad bilang TES beneficiaries, dapat naka-enroll sa anumang higher education institution na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) o sa anumang technical-vocational institution na rehistrado sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga mag-aaral mula sa pinakabagong listahan ng 4Ps households. Tatanggapin naman sa natitirang slots ang mahihirap na estudyante batay sa kanilang kakayahang pinansyal.

“Sa pagpapatatag natin ng batas para sa libreng kolehiyo, titiyakin nating makakaabot ang tulong pinansyal sa mga mag-aaral nating higit na nangangailangan. Sa ganitong paraan, matitiyak nating tuloy-tulong silang makakatanggap ng edukasyon hanggang sa sila ay makapagtapos,” ani Gatchalian.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -