NAGBIGAY ng kanyang pahayag ng pagbati si Vice President Sara Duterte sa ika-112 Anibersaryo ng Iglesia ni Cristo ngayong July 27, 2026.
Narito ang kanyang pahayag.
Mga Kababayan
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Isang mapagpalang pagdiriwang ng ika-isang daan at labindalawang (112th) anibersaryo sa buong kapatiran ng Iglesia ni Cristo.
Sa loob ng mahigit isang siglo, ang INC ay nananatiling haligi ng pananampalataya at pagkakaisa sa ating bansa.
Sa pamamagitan ng inyong mga programa sa edukasyon, kabuhayan, at mabilis na pagtugon sa mga sakuna, patuloy ninyong ipinapakita ang tunay na kahulugan ng malasakit sa kapwa Pilipino, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa panahong nahaharap ang ating lipunan sa mga pagsubok sa ekonomiya at moralidad, ang inyong disiplina at matatag na pamumuno ay gumagabay sa ating mga kababayan tungo sa katwiran at kapayapaan.
Kaisa ninyo ako sa panalangin para sa patuloy na pag-unlad ng inyong kawan, sa gabay at pamamahala ng inyong Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Nawa’y magpatuloy ang INC bilang katuwang sa pamahalaan sa pagpapatibay ng karakter ng ating mamamayan at sa pagtataguyod ng mas ligtas at maunlad na bansa.
I wish the entire Iglesia ni Cristo a blessed anniversary. May your shared faith and devotion continue to strengthen the foundations of our nation.
Maligayang anibersaryo!
Mga Kababayan, Mahalin natin ang Pilipinas. Ibalik natin ang tapang at malasakit. Ang lahat ng ating ginagawa ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines



