30.3 C
Manila
Lunes, Hulyo 27, 2026

Pahayag ni Sen Risa Hontiveros na aasahan sa 2026 SONA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG hinihintay ng ating kababayan mula Malakanyang ngayong 2026 SONA ay hindi lang ulat, kundi resibo – patunay sa ginagawa at gagawin pa ng gobyerno para iahon sa hirap ang pamilyang Pilipino.

Ang mga gustong marinig ng milyon-milyong Pilipino: Paano ba agarang aaksyunan ng pamahalaan ang nagtataasang gastos sa kuryente, tubig, petrolyo, at pagkain?

Paano palalakihin ang take-home pay ng bawat manggagawa kung ang bawat sentimo ng P85 minimum wage hike ay diretso lang sa pambayad ng kuryente?

Paano tatapusin ang joblessness crisis lalo pa’t maraming kabataan sa iba’t ibang rehiyon, pati mga college graduate, ang hirap humanap ng liveable na trabaho o kabuhayan?

At paano ba maalis ang korapsyon sa gobyerno, na nakakaapekto na sa investor confidence ng bansa?


Yung upper middle income status ng bansa, sa totoo lang ay ‘di ramdam ng maraming Pinoy na mas hirap ngayong may global crisis. Sa halip na ayuda lang, the government should focus on bringing immediate solutions to problems that make daily life harder for most Filipinos:

Sa energy sector, dapat siguraduhin na maiwasan ang lalong pagtaas ng kuryente, at malawakang brownout. The government should use its full regulatory arsenal against erring generation companies, address delays in the building of power plants, and remove pass on charges. Gamitin ang VAT windfall revenues para mapalawak ang lifeline rates, i-refund ang singil sa bogus fuel cost, at paglipat sa renewal energy para sa mura at sustainable na suplay ng kuryente. Protektahan din ang konsyumers sa dumaraming reklamo sa bill — dapat walang disconnection habang nirereview ang billing.

Sa agrikultura, hindi sapat ang limitadong P20 per kilo ng bigas program at konting ayuda sa magsasaka. Our crops are weak, farmers are wary of Super El Nino. Kapag hindi inayos ang supply shock, baka mapunta tayo sa P80 per kilo ng bigas. We need targeted fuel and fertilizer subsidies, ASAP.

Sa public transportation, umaasa tayo na palalawakin ang tulong sa PUV sector by expanding the service contracting program in major areas. Mas tiyak ang bayad sa tsuper, mas marami ang masasakyan ng commuters at hindi sila mangangailangan ng ayuda.

- Advertisement -

Dapat ding ilahad ng pamahalaan kung paano nito palalawakin ang public health services, at sa mas pinalakas na Zero Balance Billing program at iba pang bahagi ng universal healthcare. Amid higher costs of living, more and more Filipinos will depend on public health services.

Sana marinig natin ang mga iyan, hindi lang sa SONA ng Pangulo, kundi sa mga susunod na anunsyo mula sa Malakanyang. Dahil ang tunay na resibo ng isang SONA ay hindi lang pangako, kundi mga solusyong nagpapagaan sa buhay ng bawat Pilipino.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -