32.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Bongbong, Sara, ‘Best Bet’ ng mga estudyante sa 2022 elections

- Advertisement -
- Advertisement -

Pinatunayan ng survey ng isang state university ang pangunguna nila Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at posibleng Vice Presidential aspirant Davao City mayor Inday Sara Duterte sa darating na 2022 national elections.

Si Marcos at Duterte ang pangunahing ibinoto ng mga estudyante sa pagka-Presidente at Bise Presidente sa isinagawang ‘Pulso ni PSU’ survey ng Pangasinan State University kamakailan.

Umabot sa 16,837 ang naging respondents ng nasabing survey na nagmula sa iba’t-ibang campuses ng PSU sa Easter, Wester, at Central Pangasinan.  Isinagawa ang survey sa loob ng tatlong araw at nagsimula ito noong November 4.

Ang sample size ng survey ay kumakatawan sa halos 56 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga estudyante sa PSU.

Nanguna si Marcos sa Presidential preference survey matapos na makuha ang 64.96 porsiyento o 10,938 ng kabuuang boto.  Sumunod si Leni Robredo na may 9.41 porsiyento o 1,585 na boto, at sinundan ni Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha naman ng 3.44 porsiyento o 580 na boto.

Ayon pa sa pag-analisa ng PSU, pinakita ng datos na landslide ang magiging panalo ni Marcos kung isinagawa ang halalan sa panahon ng survey.

Ang iba pang mga Presidential aspirants na kasama sa survey ay ang mga senador na sina Manny Pacquiao, Ping Lacson, Ronald “Babto” Dela Rosa, Grace Poe, at kasama rin si Davao City Mayor Inday Sara Duterte. 

Karamihan sa kanila ay mas mababa sa isang porsiyento ang nakuhang boto maliban kay Poe na nakakuha ng 1.28 porsiyento o 215 na boto.  Matatandaan na inanunsiyo na ni Poe na wala siyang planong tumakbo bilang Presidente sa 2022.

Patuloy na hinahangaan si Marcos dahil na rin sa isinusulong niyang mapagkaisang uri ng pamumuno at nananatiling mapagkumbaba sa gitna ng mga pagkilos upang hadlangan ang kanyang kandidatura.

Nakita rin sa Vice Presidential survey na malaki ang kalamangan ni Mayor Inday Sara Duterte sa kanyang mga katunggali matapos na makakuha ng 31.03 porsiyento o 5,224 na boto.  Sumunod sa kanya ang mga senador na sina Grace Poe na nakakuha ng 10.50 percent o 1,768 na boto, at Tito Sotto III na may 9.25 porsiyento o 1,558 na boto.

Ayon rin sa datos ng Vice Presidential survey, 16.61 porsiyento ng mga respondents ay hindi pa nakakapili sa listahan ng pangalan na ipinakita sa survey.  Habang 12.56 porsiyento naman ang nagsabing wala sa listahan ang kanilang pinili.

Pinapakita lamang nito na 29.17 porsiyento ng mga sinurvey ay wala pang napipisil na ibobotong Vice President sa darating na halalan.

Ayon pa sa datos, 83.5 porsiyento o 14,060 ng mga respondents ang nagsabing gusto nilang makita sa isang kakandidato ang mga sumusunod na katangian;  Maka-kalikasan, Makabayan, Maka- Diyos, Makatao, Matalino, at Mahusay.

47.92 porsiyento rin ng  mga sinurvey ang nagsabing gusto nilang gawing prayoridad ng pamahalaan ang pagresolba sa mga isyung may kinalaman sa kalusugan at pandemyang Covid19.

Ang PSU ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1497 noong June 11, 1978 at nagsimulang mag-operate noong July 1, 1979.

Ang mga campus nito ay matatagpuan sa Alaminos City, Asingan, Bayambang, Binmaley, Infanta, Lingayen, San Carlos City, Santa Maria at Urdaneta City sa Pangasinan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -