26.8 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

PAALALA SA PUBLIKO

- Advertisement -
- Advertisement -

Hinihikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang lahat ng mga botante na nakaranas ng pagkaantala at/o aberya sa pagboto na magtungo sa inyong polling area o presinto ng hindi lalayo sa 30 metro bago mag-alas-7:00 ng gabi ngayong araw, 9 Mayo 2022. Ito’y para matiyak na kayo ay makaboto pa rin.

Ang paalalang ito ay bunsod ng mga natanggap na ulat ng CHR mula sa aming kampanyang Bantay Karapatan sa Halalan (BKH). Ang BKH ay isang inisyatiba ng CHR na binubuo at pinangungunahan ng mga non-partisan at civil society groups para i-monitor at iulat ang anumang paglabag sa karapatang pantao na may kinalaman sa halalan.

Ilan lamang sa mga natanggap na ulat ng CHR na nagdulot ng pagkaantala at aberya sa pagboto ay ang mga sumusunod:
– Vote-counting machines (VCM) na di-gumagana at/o may technical issue
– Pagkaantala ng pagbubukas ng mga polling precincts
– Kahirapan sa paghahanap ng polling precincts
– Mahabang pila sa mga polling precincts dahil sa pagdagsa ng mga botante

Hindi isasara ng Commission on Elections o COMELEC ang polling precincts hangga’t may mga taong naghihintay sa pagdating ng VCM at/o may mga tao pa na nakapila ng hindi lalagpas sa 30 metro bago mag-alas-7:00.

Sagrado ang inyong karapatang bumoto. Tiyakin na ang inyong boto ay makasama sa bilangan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -