28.5 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Imbestigahan ang pagpapahiram at pagbebenta ng mobile wallet accounts – Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

Sa pagnanais na protektahan ang mga konsyumer mula sa cybercriminals, naghain si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ang pagpapahiram at pagbebenta ng mga mobile wallet accounts.

“Nakita na natin na ang paggamit ng mga mobile o e-wallet ay nagbibigay ng napakalaking benepisyo lalo na noong kasagsagan ng pandemya para sa mga online transaction, kaya kailangan nating tiyakin na protektado ang ating mga consumers mula sa mga masasamang loob na may hangad na manloko sa pamamagitan ng mga mobile wallets,” sabi ni Gatchalian.

Binigyang-diin niya na dapat magkaroon ng epektibong interbensyon ang mga ahensya ng gobyerno upang matigil ang pagsasagawa ng pagpapahiram o pagbebenta ng mga SIM card na merong beripikadong mobile o e-wallet account.

Ayon sa mambabatas, dumami ang mga gumagamit ng mobile o e-wallets sa bansa. Mayroong humigit kumulang siyam na milyong registered e-wallet accounts noong 2017 at naging triple pa ang bilang na ito pagdating noong 2020. Inaasahan ding aabot sa 7.7 milyon ang bilang ng e-wallet users pagdating ng 2025. Dalawa sa kilalang e-wallets sa bansa ay PayMaya at GCash.

Ayon kay Gatchalian, ang mga online scammers ay karaniwang gumagamit ng mga e-wallet account na hindi nakarehistro sa ilalim ng kanilang mga pangalan. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng paggamit o pagbili ng mga SIM card sa black market na meron nang mobile wallet accounts mula sa mga taong nagbebenta o nagpapahiram ng kanilang mga pagkakakilanlan.

Sa katunayan, iniulat ng PNP Anti-Cybercrime Group na ginagamit ng mga kawatan ang mga naturang mobile wallet accounts sa mga gawaing kriminal tulad ng money laundering at identity theft.

Ang ganitong mga mobile wallet accounts ay maaari ding magsilbing daan para sa mga money mule o mga taong naglilipat ng mga pera galing sa mga iligal na gawain, ayon kay Gatchalian. Aniya, madalas matarget ng mga kriminal ang mga mag-aaral, ang mga walang trabaho o walang masyadong ginagawa, at ang mga gumagamit ng dating websites para makakuha ng mga taong gustong magpahiram o magbenta ng kanilang mga mobile accounts.

Matatandaan na sa isang pagdinig na isinagawa ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kamakailan, nadiskubre na ang mga digital wallet ay ginagamit din sa e-sabong.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -