Orion, Bataan – Pinangunahan ng mga opisyales sa local ng munisipyong ito kasama ang mga opisyales ng KWF, NCCA, NBDB ang paggunita ng 235 taong kaarawan ng Bayaning Makatang si Gat Francisco “Balagtas” Baltazar noong ikalawang araw ng Abril taong 2023. Na may temang “Kultura ng Pagbabasa Tungo sa Pagkakaisa.”
Para sa kaalaman ng lahat, ang komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang naatasan ng batas na pangungunahan ang dakilang gawaing ito. Sa batas ng “Proklamasyon Blg. 964 serye ng 1997 na pinamagatang Pagdeklara sa ika-2 ng Abril ng bawat taon bilang Araw ni Balagtas.”
Ayon sa kinatawan ng Mayor Antonio L. Raymundo, napag-alaman na dito tumira sa Orion, Bataan ang dating manunulat na siyang may akda ng sikat na dulang Romantikong Florante at Laura at ng ibat iba pa niyang mga akdang libro na siyang ginamit sa halos lahat ng mga paaralan hanggang sa kasalukuyan.
“Dito sa Orion, Bataan naninirahan sa kanyang mga huling araw ang sikat na si “Balagtas” hanggang isang araw ay may naganap na sunog sa kanilang tahanan na siyang kadahilanan sa pakasunog ng kanyang mga iba’t iba pang mga obra.” Dagdag pa niya.
Ayon sa pananalita ni Atty. Marites B. Taran KWF Direktor Heneral, “Napapanahon ang temang ito sapagkat naaapektuhan ng “internet addiction” ang reading habits ng mga kabataan ngayon.” “Nakitaan ng mga eksperto na may pagbaba sa hilig ng mga bata sa pagbabasa bungsod ng internet.”
“Ang pagbabasa ay pagpapakain sa utak” dagdag pa ni Atty. Taran.
Ayon naman kay Kgg. Arthur P. Casanova ang tagaPangulo ng KWF “Dapat pananatilihin at ipagpapatuloy ang pag gamit ng wikang Filipno sa lahat ng antas sa lipunan.”
Kasama sa pagdiriwang ang mga kinatawan ng iba’t ibang grupo ng Media. Isa na ang Publishers Association of the Phil. Inc., (PAPI) na kinakatawan ng News Sydicate Digest publisher at ang publisher ng Tarlac Insider, PIA REg.3, RTVM, Radyo Veritas, DWBL at iba pa. ALMA OCHOTORENA