26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Hallyu! Extraordinary Attorney Woo may Season 2 na

Korean Wave sa bansa patuloy pa rin

- Advertisement -
- Advertisement -

BAGO pa man masabik ang lahat sa Season 2 ng seryeng “Extraordinary Attorney Woo,” balik- Pinas muli ang bida nito na si Park Eun-bin para sa kanyang ikalawang fan meeting na gaganapin sa New Frontier Theater, ngayong June 24, 2023, ayon sa local promoter nito na Wilbros Live at Aromagicare.

Ang 30-anyos na aktres ang kauna-unahang Korean brand ambassador ng Aromagicare, isang kompanyang pag-aari ni Pauline Publico, isang Pilipino. Inilunsad si Eun-bin bilang pinakabagong ambassador ng brand noong Oktubre 2022.

Ang South Korean actress na si Park Eun-bin ay nakatakdang bumisita sa bansa ngayong Hunyo 24. FILE PHOTO

Nauna nang sinabi ng founder at presidente ng kompanya na ang pagpili nila sa aktres bilang mukha ng Aromagicare ay tiyak na makatutulong sa pagpapalakas ng pangalan ng kanilang brand. Aniya, “maswerte tayo na may isang taong lubos na hinahangaan gaya niya ngayon.”

Sa edad na pito, si Eun-bin ay nagsimula nang umarte sa dramang, “White Nights 3.98,” noong 1998, ayon sa viki, isang online website ng mga libreng Asean film at TV series na libre. Mula noon hanggang ngayon ay patuloy ang pamamayagpag ni Eun-bin sa anumang serye na pagbidahan nito.

Sa kanyang pagganap bilang Woo Young-woo, isang abogadong may autism sa “Extraordinary Attorney Woo,” nanalo si Park ng “Daesang o Grand Prize,” ang pinakamataas na parangal sa 59th Baeksang Arts Awards noong nakaraang buwan.


Kamakailan din ay opisyal nang ipinahayag na pumirma na ang writer nito na si Moon Ji-won ng kontrata sa Astory, ang production company ng dramang “Extraordinary Attorney Woo.”

Si Eun-bin ay nakilala rin sa iba pang palabas tulad ng Hello, My Twenties! at The King’s Affection. Matutunghayan din ang pamosong Korean actress sa bago nitong serye na pinamagatang “Diva of The Deserted Island,” na nakatakdang ipalabas sa darating na Oktubre 2023.

Hallyu na walang humpay
Isa lamang si Eun-bin sa kinababaliwan ng mga Pilipino. Ano nga ba ang dahilan at kinahumalingan ang mga ito ng mga Pilipino?

Hindi na bago sa kulturang Pilipino ang pagkahilig sa mga banyagang palabas. Matatandaan na taong 2000-2005 ay pumatok na sa panlasa ng mga Pinoy ang mga Mexicanovela at Taiwanese-series, tulad ng “Rosalinda,” at “Meteor Garden,” na pinakasikat mula sa F4 series.

- Advertisement -

Kaya’t ang sunud-sunod na pagpasok ng mga programang Koreano na naka-dub sa Filipino gaya ng “Lovers in Paris,” “Endless Love,” “Stairway to Heaven,” “Jewel in the Palace,” atbp., ay hindi na nakapagtataka.

Hindi lamang sa Pilipinas naging laganap ang ganitong kultura. Maging ang mga karatig-bansa sa Asya ay tumatangkilik sa ganitong uri ng mga palabas, ito ay laganap na rin sa buong mundo.

Ang “Hallyu” ay nagmula sa terminong Chinese na ang ibig sabihin ay “Korean Wave.” (Basahin ang kaugnay na artikulo sa https://www.vam.ac.uk/articles/the-hallyu-originstory#:~:text=Beginning%20in%20the%20late%201990s,social%20media%20and%20the%20birth)

Malawak ang sinasaklaw nito, mapa-musika o K-pop, pagkain o Korean cusine, pananamit o K-fashion, pagpapaganda o K-beauty products, maging sa pag-aaral ng lenggwaheng Korean o Hangul, lahat nang industriyang may tatak-Korean ay maluwag na niyakap ng mga Pilipino.

Malaki din ang naitulong ng Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) sa pagpapalaganap ng Korean culture sa ating bansa. Simula nang maitatag ito noong 2011, iba’t-ibang programa na ang nailunsad nito sa bansa tulad ng pagtuturo ng K-pop dance, buchaechum o traditional dance, hansik o Korean cooking, pagkanta ng Korean songs at ang taun-taon nilang pagtuturo ng Korean language o Hangul na pwedeng pasukan depende sa batch na maa-aplayan.

Korea’s ‘soft power’

- Advertisement -

Ngunit ang mga pagbabagong ito ay hindi nangyari sa isang gabi lamang. Ang mga ito ay produkto ng isang mahabang pag-aaral, matagal na pagpaplano at mahusay na pamumuhunan. Nangyari ito dahil tanging ang South Korea ang tanging bansa sa mundo na may layunin na maging “world’s leading exporter of popular culture,” ayon kay Martin Roll, isang international business consultant.

Aniya, ang Hallyu ay daan upang mapalakas ng Korea ang ‘soft power’ nito “…It refers to the intangible power a country wields through its image, rather than through hard force.” Sa katunayan, one-third ng venture capital ng Korea ay itinataya nila sa entertainment industry, ayon kay Roll.

Dumaan man ang Covid-19 noong taong 2020, hindi naman nahinto ang pagsubaybay ng mga Pilipino sa pagtangkilik sa ganitong uri ng drama at musika, bagkus ay yumabong pa ito nang matuto nang mag-access online ng iba’t-ibang K-content ang mga tao na napirmi sa kanilang tahanan, na siya namang lalong nagpalakas pa sa pop culture at fandom culture o fanclub ng mga K-drama at Korean idols.

Sa katunayan, kinilala ang Pilipinas na ikalawa sa may pinakamalaking audience na nakikinig sa K-pop superstars na BTS sa Spotify at pang-apat naman sa mga bansa na may pinakamaraming nag-tweet ng tungkol sa K-content noong 2022.

Ngayon din na bukas na ang South Korea sa pagpasok ng mga turista, isa sa mga malimit na magtungo dito ang mga Pinoy. Ayon sa PNA, nananatiling numero uno sa listahan ng mga dayuhang bumibisita sa bansa ang mga Koreano.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -