30.8 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Pagbibigay ng Bivalent vaccine sisimulan sa Hunyo 21

- Advertisement -
- Advertisement -

AYON sa Department of Health (DoH) sisimulan na ang pagbibigay ng bivalent vaccine sa Hunyo 21 sa Philippine Heart Center. Inaasahan na din ng DoH na lahat ng Centers for Health Development (CHDs) na natanggap na nila ang mga supply.

Matatandaan na mahigit 390,000 doses ng Pfizer bivalent vaccines mula sa Lithuania ang dumating sa bansa noong Hunyo 4.

Ayon sa DoH, ang mga bivalent vaccine ay nagbibigay ng proteksyon laban sa orihinal na strain ng Covid-19, SARS-CoV-2 at Omicron subvariants na BA.4 at BA.5.

Ayon sa mga eksperto, mas mataas ang maibibigay na proteksyon ng bivalent vaccines at napapanahon na rin daw na ma-update ang mga boosters.

Ibibigay bilang ikatlong booster sa mga 18 taong gulang pataas na kabilang sa priority groups A1 (health workers) at A2 (senior citizens) matapos ang apat hanggag anim na buwan matapos ang pagbabakuna ng ikalawang booster dose.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -