30.2 C
Manila
Martes, Nobyembre 5, 2024

SM Scholar Alumna, isa sa mga nanguna sa CPA board exam

- Advertisement -
- Advertisement -
Nasungkit ni  SM scholar alumna Lea Pedarse ang May 2023 CPALE Top 9. LARAWAN MULA SA SM FOUNDATION

Daan-daang mga estudyanteng Pilipino ang nag-aaral na mabuti upang makamit ang tagumpay. Ngunit para sa mga kabataang nagmula sa mga pamilyang may pinansyal na limitasyon, kinakailangan ng karagdagang diskarte at pagiging praktikal upang makamit ang kanilang mga pangarap.

Ipinakita ni SM Foundation scholar-alumna Lea Pedarse ang mga katangiang ito matapos niyang magtagumpay sa katatapos lang na Licensure Examination para sa Certified Public Accountants (CPALE), kung saan siya’y pumasok bilang top nine.

Ayon kay Lea,  natanggal ang pasanin ng gastusin niya edukasyon dahil sa SM Foundation. Dahil dito, nagkaroon siya ng pagkakataong mag-focus sa kanyang pag-aaral. Bukod sa tulong pinansyal, nagbigyan din siya ng inspirasyon na patuloy na lumaban sa hamon ng buhay sa tulong ng mga enrichment activities na inoorganisa ng foundation.

Sa pamamagitan rin ng SM Foundation, natutunan ni Lea na posible ito sa pamamagitan ng sipag at panalangin. Sa likod ng mga hindi inaasahang pangyayari na humadlang sa kanya na kumuha ng CPALE noong Oktubre 2022, minabuti niyang mas magpursige at sanayin pa lalo ang sarili sa sistematikong pag-aaral, bigyang prayoridad ang kanyang pisikal na kalusugan, at pagtibayin ang positibong pag-iisip.

Ang matiyagang pagsisikap ng alumna ay nagbunga nang siya ay matagumpay na pumasa sa CPALE, at naging ika-9 sa mahigit 7,000 na kumuha ng pagsusulit.


Sa patuloy na pag-abante sa larangan ng kanyang propesyon, balak ni Lea na simulan ang kanyang karera sa pampublikong praktis, lalo na sa larangan ng audit. Siya ay nagnanais na mas lalo pang malinang ang kanyang mga kasanayan at kaalaman sa larangang ito.

Ang kanyang layunin ay magpatuloy sa pag-abot ng kanyang mga pangarap at mapaunlad ang kanyang karera. Puno ng pasasalamat sa tulong na natanggap, nais niyang magkaroon ng positibong epekto sa buhay ng ibang tao, katulad ng naging epekto sa kanya ng SM Foundation.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -