30.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Baclaran Church, ‘important cultural property’ na

Alamin kung paano nagiging ICP

- Advertisement -
- Advertisement -

ISA na sa itinuturing na pinakamahalagang yamang kultural ang Baclaran Church matapos italaga ng National Museum of the Philippines (NMP) ang simbahan bilang isang “important cultural property” o ICP.

National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o ang Baclaran Church FILE PHOTO

Ang palatandaan bilang ICP ay unang ipinakita sa publiko noong Martes sa Parañaque City kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Our Mother of Perpetual Help at ika-75 taon ng Perpetual Help Novena sa Baclaran Church.

“I hope the marker will serve as a reminder for us to cherish this gift of faith that we have embraced and the place where the faith has taken its root,” ayon kay Dr. Mary Jane Louise Bolunia, archaeologist ng NMP, sa isang artikulo sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong Miyerkules.

Sinabi naman ni Brazilian Fr. Rogerio Gomes, superior general ng Congregation of the Most Holy Redeemer, o Redemptorists, ang pagtatalaga sa Baclaran Church bilang ICP ay hindi lamang dahil sa kahalagahan ng physical heritage “kundi bilang isang espirituwal din.”

“I can say that is also declaring the Filipino people as a patrimony of faith,” aniya pa.


Dumalo rin sa seremonya sina Baclaran Church rector Fr. Rico John Bilangel, at Fr. Raymond Urriza, superior of the Redemptorist Vice-Province of Manila.

Ano ang ibig sabihin ng ICP?

Ayon sa Republic Act 10066 o The National Cultural Heritage Act na inapruhaban noong Marso 2010, ang “cultural property” ay tumutukoy sa lahat ng produkto ng pagkamalikhain ng tao kung saan ang isang tao at isang bansa ay naghahayag ng kanilang pagkakakilanlan.

Kabilang dito ang mga simbahan, moske at iba pang lugar ng pagsamba sa relihiyon, mga paaralan at mga ispesimen at lugar ng natural na kasaysayan, pampubliko man o pribadong pag-aari, maaaring ilipat o hindi natitinag, at nahahawakan o hindi nasasalat.

- Advertisement -

Ang cultural property ay may kategoryang pambansang kultural na kayamanan (national culture treasures); mahalagang kultural na ari-arian (important cultural property); World heritage site; pambansang makasaysayang dambana (national historial shrine); pambansang makasaysayang monumento (national historical monument); at pambansang makasaysayang palatandaan (national historical landmark).

Ang important cultural property ay tumutukoy sa isang kultural na ari-arian na may pambihirang kultural, masining at makasaysayang kahalagahan sa Pilipinas, na dapat pagpasyahan ng National Museum at/o National Historical Institute.

Ayon sa https://www.officialgazette.gov.ph/lists/national-cultural-treasures-of-the-philippines/, kabilang sa listahan ng ICP ang mga sumusunod:

1. Gusali ng Philippine Center for Population and Development sa Taguig City

2. San Bartolome Church sa Malabon City

3. Cariño House sa Candon City, Ilocos Sur

- Advertisement -

4. San Nicolas de Tolentino Church sa San Nicolas, Ilocos Norte

5. San Nicolas Central School sa San Nicolas, Ilocos Norte

6. Municipal Hall ng San Nicolas, Ilocos Norte

7. Valdez-Lardizabal House sa San Nicolas, Ilocos Norte

8. Nagrebcan Archaeological Site sa San Nicolas, Ilocos Norte

9. Callao Cave Complex sa Peñablanca, Cagayan Valley

10. Santa Maria Bridge sa Sitio Tanibong, Aritao-Quirino Road sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya

11. Colegio del Santisimo Rosario (Diplomat Hotel) Ruins sa Dominican Hill, Baguio City

12. Laperal House sa Baguio City

13. Peredo’s Lodging House sa Baguio City

14. Santo Rosario Church sa Angeles City, Pampanga

15. Angel Pantaleon de Miranda House sa Angeles City, Pampanga

16. Patricia Mercado – Gomes Masnou House sa Angeles City, Pampanga

17. Juan Nepomuceno Camalig sa Angeles City, Pampanga

18. Jose Pedro Henson y Leon Santos Deposito sa Angeles City, Pampanga

19. Ciriaco de Miranda House sa Angeles City, Pampanga

20. Mariano Lacson House sa Angeles City, Pampanga

21. Rafael Yutuc Sr. House sa Angeles City, Pampanga

22. Municipal Hall ng Guagua, Pampanga

23. Simbahan ng Immaculada Concepcion sa Guagua, Pampanga

24. Simbahan ng San Bartolome sa Magalang, Pampanga

25. Municipal Hall ng Magalang, Pampanga

26. Municipal Hall ng Lubao, Pampanga

27. Old Municipal Hall (Baliuag Museum and Library) ng Baliuag, Bulacan

28. Barit Bridge sa Barangay Santiago, Iriga City, Camarines Sur

29. Avanceña House (Camiña Balay na Bato) sa Arevalo, Iloilo City

30. Lizares-Gamboa Mansion (Angelicum School) sa Jaro, Iloilo City

31. Sornito House sa Santa Barbara, Iloilo

32. Chapel of Saint Joseph the Worker sa Victorias, Negros Occidental May dagdag na impormasyon ni Rufina Caponpon

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -