26.1 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

‘DOLEkula’ itinaas ang antas ng adbokasiya laban sa child labor

- Advertisement -
- Advertisement -

ITINAAS ng ‘DOLEkula,’ ang taunang anti-child labor film festival, ang antas ng adbokasiya na nagsusulong upang wakasan ang child labor sa Northern Mindanao.

 

Pinarangalan ni Department of Labor and Employment (DoLE) Northern Mindanao OIC Regional Director Estrella Uy-Pahalla, sa pagdiriwang ng World Day against Child Labor (WDACL), ang mga nanalo sa DOLEkula Film Festival Season 3 kung saan kanyang sinabi na ang advocacy campaign, sa pamamagitan ng paggawa ng pelikula, ay isang bagong hakbang upang pukawin ang kamalayan ng mga mamamayan at mahigpit na pagbabantay sa komunidad laban sa child labor.

 

Kabilang sa pitong isang-minutong pelikula na ginawa ng mga empleyado ng provincial field office ang Trauma (Bukidnon); Bulawan (Cagayan de Oro City); Timpla sa Kaugmaon (Camiguin); Sikad-Sikad (Lanao del Norte); Tagbo (Misamis Occidental); Ulingera (Misamis Occidental); at Guni-Guni (Regional Office).


 

Iginawad ni Pahalla ang unang gantimpala kay DoLE-X Bukidnon PFO Chief Raul Valmores para sa “Trauma.”

 

Likha nila DoLE-X Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) Community Facilitators Clebel Guinayon, Melanie Balacuit, at Mark Combong, ang “Trauma” ay tungkol kay “Mel”, na, bukod sa kanyang pisikal na paghihirap, ay dumanas pa ng takot mula sa mga kaaway na nagtatago sa kapatagan na lubhang nakaapekto sa kanyang pagkatao bilang isang batang manggagawa.

- Advertisement -

 

Ang “Ulingera”, na tumanggap ng ikalawang parangal, ay kwento ng 15-anyos na si “Lala” na napilitang gumawa ng uling, na kinalaunan ay nagkasakit sa baga. Ang pelikulang ito, ayon kay DoLE-X Misamis Oriental PFO Chief Jose Errol Natividad, ay isang masining na pagsasadula kung gaano karami sa ating lipunan ang lubos na nakakaalam sa mga panganib at peligro na maidudulot sa mga batang naninirahan o nagtatrabaho sa mga hindi ligtas na kapaligiran. Ang pelikula ay ginawa nina Mary Dayne Tampus, Juniel Ravelo, Marciano Cardente Jr., at Akisa Boriongan.

 

Ipinahayag ni DOLE-X Lanao del Norte PFO OIC-Chief lawyer Safrali Cabili na ang kanilang entry, na nanalo sa ikatlong puwesto, ay kuwento ni “Bentong” na ginawa nina Amima Cosain, Janeka Ojeda, at Abdul Hasheb Manan. Si “Bentong,” isang batang sikad-sikad driver na naghahatid ng mga pasahero upang makatulong sa kanyang pamilya, ay nahaharap sa mga panganib habang binabagtas ang makipot na kalye at nagdadala ng mabibigat na kargamento ng mga estranghero bilang pangunahing pinagkakakitaan niya.

 

Iginawad ang Best Cinematography sa Trauma; Best Director sa Sikad-Sikad; Best One-Minute-Film (Trauma); Best Performer in a Lead Role (Timpla sa Kaugmaon); Best Musical Score (Tagbo); Best Production Design (Bulawan); Best Story (Ulingera); Best Editing (Timpla sa Kaugmaon); Social Media Audience Choice Award (Ulingera); Special BWSC Jury Prize Award (Ulingera); at Special Participation Award (Guni-Guni).

- Advertisement -

 

Samantala, tumanggap ng consolation prize ang Tagbo, Bulawan, at Timpla sa Kaugmaon.

 

Nakatuon ang mga nanalong pelikula, na iginawad noong Hunyo 12, sa mga totoong kwento ng mga batang-manggagawa sa rehiyon.

 

Sinabi ni Pahalla na ang pandaigdigang pagtataya noong CY 2021 ay nagpakita ng pagtaas ng 8.4 milyong child laborer sa nakalipas na apat na taon. Sa parehong taon, nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuang 935,000 child laborers habang ang NorthMin ay nag-tala ng pinakamataas na bilang sa 138,000 o 14.8 percent na bahagi sa kabuuang bilang.

 

“Lumikha ng pagbabago ang patuloy na pagsusumikap ng DoLE tungo sa pagpapataas ng kamalayan at pagtataguyod ng pamahalaan at iba pang mga stakeholder, kung saan naialis ang 29,697 child laborers sa rehiyon mula sa pinagsamang bilang na 68,241 na na-profile mula CYs 2018 hanggang 2022,” pahayag ni Pahalla.

 

“Katulad ng kalayaan na gusto nating makamit sa paglipas ng mga taon, nangangarap din tayong lumikha ng isang child-labor-free na Pilipinas sa mga darating na araw at makita ang mga bata na malayang lumalaki,” wika ni Pahalla.

 

Bilang pagtingin sa pagdiriwang, sinabi ng direktor ng pelikula, manunulat-artista at isa sa lupon ng mga hukom ng DOLEkula na si Raul Prima, “Ang mga entry ng edisyong, sa pamamagitan ng mga maikling pelikula, ay nananawagan ng magkakasamang pagkilos ng mga komunidad upang wakasan ang child labor. Pinupuri ko ang DoLE-X sa masining na pagpapakita ng mga mensaheng ito gamit ang isang epektibong midyum upang matugunan ang panlipunang alalahanin na ito.”

 

Samantala, pinuri ni DoLE- Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) Director Ahmma Charisma Satumba ang pitong film producers ng proyektong DoLEkula Mga Maikling Kwento ng Batang Malaya na nakakatulong sa pagtaas ng kamalayan ng publiko.

 

“Paganda ng paganda, pagaling ng pagaling ang mga entries at pahirap ng pahirap ang pagpipili ng mananalo,” pahayag ni Satumba sa ginanap na special BWSC jury prize award.

 

Ang mga hurado sa taong ito na kilala sa kani-kanilang larangan ng sining, technical craft, at visionary storytelling, na masusing hinusgahan ang mga pelikula bago iginawad ang parangal ay sina Sining Kambayoka stage actor-director at artistic director ng Kagay-an Performing Arts Raul Prima; Executive Producer, dating news chief ng ABS-CBN Davao at media communications officer ng Childfund BUILDCAAP Michelle Khoe Robin-Bacsal; at 2017 USDOL IQBAL Masih awardee at Project Director ng World Vision Project ACE Daphne DG Culanag.

 

Pinarangalan din ni Pahalla ang pakikipagtulungan ng Civil Aviation Authority of the Philippines-10, Philippine Ports Authority-Cagayan de Oro City, Philippines Ports Authority-Camiguin, Rural Transit Mindanao Incorporated, Inc., at Gaisano City Mall para sa kanilang kontribusyon sa pagtataguyod ng mga pelikulang DoLEkula sa kani-kanilang mga tanggapan, na humimok sa iba pang mga organisasyon, social partner, at iba pang mga nasasakupan para makamit ang child-labor-free Philippines.

 

Iginawad din ang parehong parangal sa Kaanib Foundation, Inc., Childfund Philippines, World Vision Project Against Child Exploitation (ACE), Childfund Philippines, at Kaanib Foundation, Inc. para sa kanilang mahusay na pakikipagtulungan sa pagtataguyod ng Child Labor Prevention and Elimination Program.

 

Mapapanood ang mga pelikula sa DOLE facebook.com/dolexclpep. (DOLE RO 10)

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -