30.6 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Paghahain ng exemptions sa dagdag sahod, hanggang Setyembre 13

- Advertisement -
- Advertisement -

HANGGANG ika-13 ng Setyembre, 2023 na lamang maaaring maghain ang mga pribadong kompanya ng applications for exemption sa inaprubahang P40 dagdag sahod na ipatutupad sa ika-16 ng buwang kasalukuyan.

Sa Facebook page ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR), inihayag na ang kwalipikadong maghahain ng exemptions ay mga retail/service na nag-eempleyo ng wala pang 10 manggagawa.

Idinagdag pa na ang mga kumpanyang naapektuhan ng mga natural na kalamidad at/o mga kalamidad na dulot ng tao ay karapat-dapat na maaari ring humingi ng exemption.

Matatandaang inaprubahan ang P40 na pagtaas sa minimum wage sa National Capital Region noong Hunyo 27.

Ayon sa Wage Order NCR-24, ang mga non-agricultural worker ay makatatanggap ng P610 sahod kada araw mula sa dating minimum wage na P570. Ang mga manggagawa naman sa sektor ng agrikultura, at mga serbisyo at retail na establisyimento na mayroon 15 o mas kakaunting manggagawa, at mga manufacturing establishment na regular na kumukuha ng mas mababa sa 10 manggagawa ay tataas sa P573 kada araw ang sahod mula sa P533.

Hindi naman ikinatuwa ng mga labor group na Partido Manggagawa at Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa ang ipatutupad na dagdag sahod na anila’y mababa sa P100 hanggang P1,140 pagtaas ng sahod na inihain ng ilang grupo ng manggagawa mula noong Disyembre 2022.

Sa isang joint statement, sinabi ng mga grupo na nakaramdam sila ng kabiguan hindi lamang dahil huli na dumating ang kautusan ngunit dahil ang panig lamang ng pagnenegosyo ang kinunsidera sa naging desisyon

Ayon pa sa PM at Kapatiran, ang P40 ay maaari lamang makabili ng isang kilong regular-milled rice at hindi sapat para mabayaran ang tumataas na presyo ng mga sibuyas.

“Because of this ineffectiveness of the regional wage boards to narrow the gap between the minimum wage and the amount of living wage that the workers’ family need to enjoy a life of dignity, the wage battle now shifts to Congress for a P150-P750 legislated across-the-board wage hike,” ayon pa sa mga grupo.

Ang huling dagdag-sahod sa Metro Manila ay nangyari noong Mayo 2022,

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -