30.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Alanis Morissette show sa Pinas sa Agosto

- Advertisement -
- Advertisement -

SIMULA nang lumuwag ang paliparan at humupa ang kaso ng Covid-19 ay kaliwa’t kanan na rin ang mga nakapilang concert na naganap at magaganap pa lamang dito sa bansa at isa na nga dito ang concert ng living legend na si Alanis Morissette.

Sa ikaapat na pagkakataon, matutuloy na din sa wakas ang pagtatanghal ng batikang mang-aawit na nakatakdang haranahin ang ating mga kababayan sa darating na August 1 at 2, sa Mall of Asia Arena sa Lungsod ng Pasay.

Makailang ulit man na nakansela, tatlo kung susumahin, ang Jagged Little Pill concert tour sa Pilipinas na una nang naiplanong isagawa sa bansa noong April 2020, na inilipat noong December 2021, at ang huli nga ay noong Nobyembre 2022, na parehong nakansela dahil na rin sa paglaganap ng pandemya sa iba’t-ibang panig ng mundo, sa wakas ay matutuloy na ito.

Ilang linggo na lamang mula ngayon ay masasaksihan na ng mga Pinoy ang Canadian-American singer sa loob ng dalawang gabi, dahil mabilis na na-sold out ang unang show nito, dahilan para dagdagan ng  Ovation Productions, local promoter nito, ng isa pang show na mangyayari sa susunod na buwan.

Ang naturang show ay bahagi ng tour ni Alanis Morissette sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng kanyang album na Jagged Little Pill, tampok ang mga sumikat nyang kanta gaya ng “You Oughta Know,” “Hand in My Pocket,” “All I Really Want,” “You Learn,” at “Ironic,” na lahat ng batang 90’s ay tiyak na sinasabayan at kabisado ang bawat letra nito na kahit pa sa modernong panahon ngayon ay kinakanta pa rin ng mga Pinoy sa anumang okasyon.

Tunay nga na kapana-panabik ang “Queen of Alt-Rock Angst,” ibinansag ng Rolling Stone kay Alanis, dahil noong Nobyembre 23, 1996 pa ito sa The Big Dome huling nakapagtanghal ng concert sa bansa.

Kaya hangga’t may oras pa para makapag-ipon, huwag na itong palampasin dahil available pa ang Day 2 tickets sa smtickets.com.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -