29.3 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

SC ibinasura mga petisyon laban sa Covid directives

- Advertisement -
- Advertisement -

DAHIL hindi sinunod ang doktrina ng hierarchy of court, ibinasura ng Korte Suprema ang tatlong petisyon na kumukwestyon sa iba’t ibang regulasyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), local government units at iba pang ahensya na may kinalaman sa Covid-19 pandemic.

Mataas na Hukuman ng Pilipinas TMT FILE PHOTO

Sa isang pahayag, sinabi ng Public Information Office ng Mataas na Hukuman na ang mga mahistrado, sa sesyong ginawa nitong Martes, Hulyo 11, ay bumoto upang ibasura ang magkahiwalay na mga petisyon na GR 258619 (Jose Montemayor Jr. vs IATF), na isinampa noong  Peb. 17, 2022; GR 258746 (Passengers and Riders Organization (Pasahero) Inc. vs Francisco Duque 3 rd na isinampa noong Peb. 23, 2022 at GR 260327 (Nicanor Jesus Perlas 3rd, et al. vs IATF, et al) na isinampa noong  May 12, 2022.

Ayon sa pahayag, ang mga petisyon ay dapat idismis dahil lumabag sa doktrina ng hierarchy of courts. Ito ay dahil ang mga petisyon ay may mga teknikal at siyentipikong usapin kaya’t nararapat na dumaan sa isang ganap na paglilitis na maaari lamang isagawa sa isang Court of First Instance o Regional Trial Court (RTC).

Ang Regional Trial Courts (RTC) na kilala rin bilang Second Level Courts, ay itinatag sa 13 judicial regions sa Pilipinas na binubuo ng Rehiyon I hanggang 12 at National Capital Region (NCR) kung saan may isang RTC ang bawat rehiyon. Ang mga RTC ay dating tinatawag na Court of First Instance mula noong panahon ng Espanyol. Sa Judiciary Reorganization Act of 1980 lang binago ang pangalan nito mula sa pagiging Court of First Instance tungo sa Regional Trial Court, ayon sa https://chanrobles.com/.

Binatikos ng mga petitioner ang validity ng ilang issuance ng IATF kaugnay ng Covid-19 pandemic, gayundin ang mga inilabas ng local government units at government agencies, partikular ang IATF Resolution No. 148-B na nag-aatas sa lahat ng pampubliko at pribadong establisimiyento na hilingin sa mga empleyado na naka-duty na mabakunahan laban sa Covid-19 o kaya naman ay sumailalim sa RT-PCR testing tuwing dalawang linggo na sarili nila ang gastos. May dagdag na ulat ni Rufina Caponpon

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -