MAY 12 lalawigan ng Luzon ang nasa ilalim ng Storm Signal No. 1 matapos mag-landfall ang Tropical Depression “Dodong” noong Biyernes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Mula sa naunang ulat na 15 lalawigan.
Sa isang press briefing noong Biyernes na pinangunahan ng Officer in Charge Esperanza Cayanan, ang Β Signal No. 1 ay nakataas pa rin sa Isabela, Cagayan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at sa northern portion ng Pangasinan (San Nicolas, San Manuel, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Sual, Labrador, Lingayen, Agno, Binmaley, Dagupan City, San Jacinto, Mangaldan and Anda).
Patuloy na makararanas ng malakas na ulan at posibleng pagbaha sa mga lugar na ito habang pinalalakas ng bagyong Dodong ang habagat o southwest monsoon.
Inalis naman ang alert level sa Aurora, Quirino and Nueva Vizcaya
Sinabi ng weather forecaster na si Veronica Torres na ang sentro ng bagyong Dodong ay tinatayang nasa paligid ng Allacapan, Cagayan, kumikilos pahilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras (kph).
Ang bagyo Β ay may taglay na maximum sustained winds na 45 kilometro bawat oras na may pagbugso hanggang 75 kilometro bawat oras.
Inaasahang lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado o Linggo.
Subalit maaari rin itong lumakas sa huling bahagi ng Sabado o unang bahagi ng Linggo habang ito ay umaalis sa PAR.