26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Konsultahin ang mga guro, magsagawa ng simulations bago ipatupad ang bagong K-10 curriculum — Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na magsagawa ng mga simulation at mga konsultasyon sa mga guro bago ipatupad ang bagong K to 10 curriculum.

Hinihimok ni Senator Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na magsagawa ng simulations and consultations sa mga guro bago ipatupada ang neribesang K to 10 curriculum. Larawan ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Ayon kay Education Assistant Secretary for Operations Francis Cesar Bringas, malapit nang isapinal ang revised K to 10 curriculum. Matatandaang isinapubliko ang draft version ng naturang curriculum para kunin ang pulso ng bayan. Ayon pa sa opisyal, isinasapinal na rin ng DepEd ang shaping paper at gagawing bahagi ng curriculum guide ang mga suhestyon ng publiko. Kinukumpleto na rin ng ahensya ang policy guidelines sa pagpapatupad ng curriculum na nakatakdang ilunsad sa 2025.

Dahil ang mga guro ang may responsibilidad sa pagpapatupad ng bagong K to 10 curriculum at pagtiyak na magiging epektibo ito, binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng kanilang mga suhestyon.

“Iminumungkahi ko na magsagawa tayo ng on-the-ground simulations at mga konsultasyon upang sumangguni sa ating mga guro, lalo na’t sila ang ating mga sundalo sa mga paaralan at sila ang magpapatupad sa curriculum,” ani Gatchalian.

Sa kanyang paglalahad ng Basic Education Report 2023, binigyang diin ni VIce President at Secretary of Education Sara Duterte na ayon sa resulta ng pagrepaso sa K to 12 curriculum, lumalabas na masyado itong maraming laman o itinuturo sa mga bata. Ayon sa mga eksperto, nagiging sagabal ito sa pagkatuto ng mga bata ng basic competencies.

Patuloy namang susuriin ng Senado ang pagpapatupad ng K to 12 program, ayon kay Gatchalian. Inihain niya ang Proposed Senate Resolution No. 5 na layong repasuhin ang pagpapatupad ng Enhanced Basic Education Act of 2013 (Republic Act No. 10533) o ang K to 12 Law. May apat na pagdinig na isinagawa hinggil sa pagpapatupad ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE).

Maliban sa MTB-MLE, pag-aaralan din ng basic education committee ang pagpapatupad ng spiral progression approach na mandato ng batas. Sa ilalim ng spiral progression approach, nagsisimula sa mga simpleng paksa na unti-unting nagiging komplikado ang aralin ng mga estudyante.

Dagdag pa ni Gatchalian, pag-aaralan din ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ang mga rebisyon sa K to 10 curriculum at sa senior high school program. May mandato ang EDCOM 2 na suriin ang estado ng edukasyon sa bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -