26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Signal No. 2 sa Isabela, Catanduanes habang lumalakas ang bagyong ‘Egay’

- Advertisement -
- Advertisement -

ITINAAS na ang signal No. 2 sa mga lugar sa Isabela at Catanduanes habang naging bagyo na si “Egay,” ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ngayong Lunes, Hulyo 24.

Ayon sa Pagasa ang Signal No. 2 ay nakataas sa timog-silngang bahagi ng Isabela (Palanan at Dinapigue) at hilagang-silangan bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga at Gigmoto). Samantala nasa ilalim ng Signal No. 1 ang Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, ang natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, ang hilagang bahagi ng Pangasinan (Natividad, San Nicolas, San Quintin, Sison, Pozorrubio, San Manuel, San Fabian, Anda, Bolinao, San Jacinto, Manaoag, Laoac, Binalonan, Asingan, Tayug, Santa Maria, Umingan, Dagupan City at Mangaldan), Aurora, ang hilaga at silangang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Bongabon, Gabaldon, Pantabangan, Lupao and San Jose City), ang hilaga at timog-silangang bahagi ng Quezon (Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Calauag, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Guinayangan, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso at Tagkawayan) kasama ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, at ang natitirang bahagi ng Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate sa Luzon; ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran ay nasa ilalim din ng kaparehong storm alert sa Visayas, ayon sa Pagasa.

Ang sentro ng mata ni Egay ay tinatayang nasa 565 kilometro silangan ng Baler, Aurora na kumikilos pakanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras (kph) na may lakas na hanging aabot sa 140kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170kph, sabi ng advisory, alas-5 ng hapon, Linggo.

Malamang na liliko ang bagyo sa hilagang-kanluran at tutungo palapit sa landmass ng Northern Luzon patungo sa Luzon Strait.

“Ang bagyong ito ay tinatayang tatawid sa Luzon Strait at magla-landfall o dadaan nang napakalapit sa lugar ng Babuyan Islands-Batanes sa pagitan ng huling bahagi ng Martes ng gabi at Miyerkules ng hapon,” ayon kay weather specialist na si Obet Badrina.

Maaari itong lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes habang kumikilos ito sa karagatang timog-kanluran ng Taiwan, aniya. Tatawid ang bagyo sa Taiwan Strait at magla-landfall sa Fujian, China sa huling bahagi ng Huwebes o unang bahagi ng Biyernes, ayon sa state weather bureau.

Paliwanag ni Badrina, nananatiling posibilidad ang karagdagang pagbabago sa track forecast na malapit sa Luzon dahil sa pananatili ng ridge of high pressure sa hilaga ng bagyo.

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -