30.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Marcos Jr. sa mga tiwaling pulis na sangkot sa droga: ‘Tatanggapin ko ang inyong pagbibitiw’

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBABALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga tiwaling pulis na sangkot sa droga.

Si Pangulong Ferdinand Marcos Larawan mula sa PCO

“Unscrupulous law enforcers and others involved in the highly nefarious drug trade have been exposed. I will be accepting their resignations,” (“Nalantad na ang mga walang prinsipyong tagapagpatupad ng batas at iba pang sangkot sa lubhang kasuklam-suklam na kalakalan ng droga. Tatanggapin ko ang kanilang mga pagbibitiw,” sabi ni Pangulong Marcos Jr sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA kahapon sa Batasang Pambansa.

Bagama’t hindi niya binanggit ang mga pangalan, sinabi ng Pangulo na magtatalaga siya ng mga indibidwal na may hindi mapag-aalinlanganang integridad upang mamuno sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga habang idiniin niya na ang kanyang administrasyon ay maglalagay ng “bagong mukha” sa kampanya.

Idinagdag pa niya na hindi nila matitiis ang katiwalian at kawalan ng kakayahan sa pamahalaan.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr.na walang humpay nilang lalabanan ang mga sindikato ng iligal na droga habang nangakong ipapatigil ang kanilang mga iligal na aktibidad at lalansagin ang kanilang network ng mga operasyon sa Pilipinas.

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -