SI Luis Camara Dery, Ph.D. dakilang Pilipinong historyador at naging pangulo ng Philippine Historical Association (2013 – 2014) ay sumakabilang buhay (Marso 8, 1946 – Hulyo 31, 2023).
Nakilala rin ng marami bilang si “Mr. Dokumento” dahil sa kanyang sipag sa archival research, mahusay din siyang guro sa matagal na panahon sa Pamantasang De La Salle Maynila at nagretiro na Full Professor. Hindi maramot sa kanyang mga natuklasan at sa mga batis, hindi rin nag-imbot na makapanayam sa telebisyon bilang isang public historian.
Nagtapos ng Bachelor of Science in Education (1970), Master of Arts in Teaching (1971), at Doctor of Philosophy in History (1987) mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Ilan lamang sa kanyang mga aklat na sinulat ang mga sumusunod: From Ibalon to Sorsogon: A Historical Survey to 1905 (1991),
The Kris in Philippine History: A Study of Moro anti-Colonial Resistance (1997), Awit kay Inang Bayan: Ang Larawan ng Pilipinas ayon sa mga Tula’t Kundiman na Kinatha noong Panahon ng Himagsikan (2003), A History of the Inarticulate: Local History, Prostitution and Other Views from the Bottom (2001), When the World Loved the Filipinos and Other Essays on Philippine History (2005).
Ayon sa kanyang pamilya, nakaburol siya sa Loyola Memorial Commonwealth mula Agosto 2 hanggang Agosto 4, 2023, Biyernes.