30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

EU-PH bilateral relations, palalakasin

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGKASUNDO ang Pilipinas at ang European Commission nitong Lunes, Hulyo 31, na palakasin ang bilateral na relasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kalakalan at pagpapahusay ng kooperasyon sa climate change, maritime security at green economy.

Masayang nagkamay sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at EU Commission President Ursula von der Leyen nang magkaroon sila ng bilateral meeting sa Malakanyang. Larawan mula sa PCO

Ito ang inihayag nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at EU Commission President Ursula von der Leyen sa isang joint press statement kasunod ng bilateral meeting sa Palasyo ng Malacañang.

Si Von der Leyen ang unang European Commission president na bumisita sa bansa sa halos 60 taong diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at EU.

Ito rin ang ikalawang face-to-face meeting ng dalawang pinuno mula noong Asean-EU Commemorative Summit na ginanap sa Brussels, Belgium noong Disyembre.

“During our meeting, we discussed the economic relations with particular focus on revitalizing trade between our two regions.”(“Sa aming pagpupulong, tinalakay namin ang mga ugnayang pang-ekonomiya na partikular na naka-pokus sa pagpapasigla ng kalakalan sa pagitan ng aming dalawang rehiyon,”) sabi ni Marcos sa kanyang talumpati sa opisyal na pagbisita ni Von der Leyen.


Sinabi ni Marcos na tinatanggap niya ang pagsasagawa ngayong taon ng scoping exercises sa pagitan ng European Commission at ng Pilipinas patungo sa negosasyon para sa Philippines-EU Free Trade Agreement (FTA).

“FTA can be a springboard for a new technology cooperation to modernize the broader economy,” (“Ang FTA ay maaaring maging pambuwelo para sa isang bagong kooperasyong teknolohiya upang gawing makabago ang mas malawak na ekonomiya,”) pahayag ni Von der Leyen.

Sa kasalukuyan, ang EU ang ikaapat na trading partner ng Pilipinas.

Idinagdag pa ng Pangulo na nagkaroon ng kasunduan na magbigay ng grant para tustusan ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na palakasin ang mga green initiatives nito.

- Advertisement -

“On the development cooperation, we committed to conclude an agreement for the Green Economy Program in the Philippines (GEPP), a grant worth 60 million euros, which aims to support the Philippines in areas such as circular economy, renewable energy, and climate change mitigation.” (“Sa kooperasyong pangkaunlaran, kami ay nangangako na magtapos ng isang kasunduan para sa Green Economy Program in the Philippines (GEPP), isang grant na nagkakahalaga ng 60 milyong euro, na naglalayong suportahan ang Pilipinas sa mga larangan tulad ng circular economy, renewable energy, at climate change mitigation,”) sabi pa ni Marcos.

Kinilala rin ng Pangulo ang malakas na suporta ng EU para sa Bangsamoro Peace Process. Gayundin, ang malaking pagbabago ng Pilipinas kaugnay ng tuntunin ng batas at hustisya, agrikultura, kooperasyon sa kalawakan at pamamahala sa kalamidad.

Pinasalamatan din ni Marcos ang EU Commission “sa kanilang dedikasyon na palawigin ang pagkilala sa mga Standards of Training, Certification, and Watchkeeping for Seafarers certificates na inisyu ng Pilipinas”.

May positibong epekto ito aniya sa pagtatrabaho ng mahigit 50,000 Filipino seafarers sakay ng EU-flagged vessels.

“As I mentioned to Madame President von der Leyen, the Philippines and the EU are like-minded partners through our shared values of democracy, sustainable and inclusive prosperity, the rule of law, peace and stability, and human rights,” saad pa ng Pangulo.

Sa isang pahayag na nakalathala sa official website ng European Union (https://ec.europa.eu), pinasalamatan din ni Von Der Leyen si Pangulong Marcos sa pagtanggap sa kanya rito sa Pilipinas.

- Advertisement -

“Our teams will get to work right now on setting the right conditions, so that we can get back to the negotiations. A free trade agreement has huge potential for both of us in terms of growth and in terms of jobs,” aniya. (“Ang aming grupo ay magtatrabaho ngayon para pagtatakda ng mga tamang kundisyon, upang makabalik kami sa mga negosasyon. Ang isang malayang kasunduan sa kalakalan ay may malaking potensyal para sa aming dalawa sa usapin ng paglago at sa mga tuntunin ng mga trabaho.”)

Idinagdag pa ni Von der Leyen na maglulunsad ang EU ng digital economy package para sa Pilipinas. “We will work together on faster reliable connectivity with submarine cables on cybersecurity training and on deployment and development of 5G.”

Nagpahayag din ng interes ang EU sa pagdebelop sa industriya ng pagmimina sa bansa. “Let us start by identifying projects that we want to develop your local mining industry, supporting your communities and that contributes to a secure global supply of critical raw materials.”

Disyembre ng nakaraang taon nang unang magkita sina Pangulong Marcos at Von der Leyen sa Brussels nang dumalo ang Punong Ehekutibo sa Asean-EU Commemorative Summit, isang kaganapan na pinaplano sa bahagi ng Pilipinas bilang Asean Country Coordinator para sa 2021 hanggang 2024.

Ang European Union ay mahalagang katuwang ng ng Pilipinas sa matagal nang panahon, lalo na sa mga oras ng geopolitical upheavals, at pagkagambala sa ekonomiya, at iba pa.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -