31.3 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Diskwento sa gamot para sa benepisaryo ng DoLE GIP, Tupad 

SIMULA Setyembre 1, 2023, makakatanggap ng diskwento sa gamot ang mga benepisaryo ng Government Internship Program (GIP) at ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (Tupad) sa alinmang HB1 Pharmacy sa Davao Region.

HB1 Pharmacy sa Davao

Ito ay matapos lumagda ang Department of Labor and Employment (DoLE) Regional Office No. XI at LTS Retail Specialists Inc. (HB1 Pharmacy) sa isang kasunduan na nagbibigay ng diskwento sa gamot para sa mga benepisaryo ng programang DoLE GIP at Tupad.

Tinatayang nasa 120,000 benepisyaryo ng Tupad at 4,000 benepisyaryo ng GIP noong Hulyo ngayong taon ang kwalipikadong makikinabang sa programang nagbibigay ng diskuwento ng hanggang limang porsyento sa mga piling gamot.

Ginanap ang seremonya ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MoA) sa DoLE XI Regional Office, Davao City noong  Agosto 22, 2023.

Ang DoLE XI ay kinatawan ni Regional Director Atty. Randolf Pensoy at Assistant Regional Director Atty. Jason Balais, habang ang mga kinatawan ng HB1 ay sina Assistant Vice President Corazon Wee at Merchandising Manager Almarin Patubo.

“Umaasa ang DoLE XI na makadagagdag sa pagsisikap ng kagawaran na makamit ang epektibong pagpapatupad ng programang GIP at Tupad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa HB1 Pharmacy. Bilang karagdagan sa pansamantalang trabaho, natutuwa kami na makakatulong din kami na mabigyan ang mga benepisaryo na makakuha ng diskwento mula sa parmasya. Hangad namin na lumago ang programang diskwento upang makatulong sa mas maraming benepisyaryo ng DoLE,” ani RD Pensoy.

Samantala, makikinabang din sa programang diskwento ang mga kawani ng DoLE XI. Maaari silang makakuha ng diskwento sa gamot mula sa 50 sangay ng HB1 sa Davao Region.

“Karangalan namin, bilang botika ng inyong komunidad, na maging bahagi ng partnership na ito at gawing mas abot-kaya ang mga gamot para sa aming mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pag-aalok ng malawak na hanay ng mga produkto mula sa generics hanggang sa branded, sa may diskwentong presyo,” ibinahagi ni Assistant Vice President Wee. Idinagdag din niya na sa 2024, pinaplano ng HB1 Pharmacy na maglagay ng mga libreng klinika na may libreng diagnostics para sa lahat upang mapanatili ang pamamahagi ng kanilang mga produkto at serbisyo.

Sinab ni ARD Balais na ‘ang Tupad ID, ay discount card na rin ngayon.

“Hangarin namin para sa mga benepisyaryo na maramdaman nila na ang aming tanggapan ay hindi nililimitahan lamang sa kung ano ang disenyo ng programa ngunit ito ay lumalawak sa iba pang mga bagay na tulad nito, na ginawang posible sa pamamagitan ng bukas na puso at bukas na mga pintuan ng HB1 Pharmacy,” dagdag niya.

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -