27.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Gatchalian isinusulong ang mas mataas na enrollment sa BARMM 

- Advertisement -
- Advertisement -

DALHIN at panatilihin ang mga bata sa mga paaralan. Kasunod ng pagbubukas ng mga pampublikong paaralan sa bansa, ipinanawagan ito ni Senador Win Gatchalian sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang matugunan ang mga hamong kinakaharap ng rehiyon pagdating sa enrollment ng kabataan.

Sa isang pagdinig ng Senado sa kahandaan ng mga pampublikong paaralan sa pasukan, binigyang diin ni Gatchalian ang participation rates sa BARMM na mas mababa pa sa participation rate average sa buong bansa. 

Kasunod ng pagbubukas ng mga pampublikong paaralan sa bansa, ipinanawagan ni Senador Win Gatchalian sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang matugunan ang mga hamong kinakaharap ng rehiyon pagdating sa enrollment ng kabataan.

Noong School Year (SY) 2020-2021, umabot sa 53 porsiyento ang participation rate ng rehiyon sa Kindergarten, mas mababa sa 66 porsiyento na naitalang average sa buong bansa. Sa elementary, 69 porsiyento ang participation rate sa rehiyon, samantalang 89 porsiyento naman ang naitala sa buong bansa. Patuloy naman ang pagbaba ng participation rate sa junior high school na umabot sa 37 porsiyento at 13 porsiyento naman sa senior high school. Sa buong bansa, umabot sa 81 porsiyento ang participation rate sa junior high school at 49 porsiyento naman sa senior high school noong SY 2020-2021.

 

Pinuna rin ni Gatchalian ang mababang average cohort survival rate sa BARMM. Lumalabas kasi na sa kada 100 mag-aaral sa rehiyon na papasok sa Grade 1, 17 lamang ang nagtatapos ng Grade 12. Sa bawat 100 mag-aaral sa buong bansa na papasok ng Grade 1, 51 naman ang nakakatapos ng senior high school.

 

“Naniniwala ako na ang pangunahing layunin natin sa BARMM ay isulong ang pagpasok sa paaralan at pangalawang layunin natin ang panatilihin silang nag-aaral. Sa pakikipag-usap ko sa mga gobernador ng BARMM, lumalabas na maraming kabataan sa rehiyon ang tumitigil sa pag-aaral upang tumulong sa bukid ng kanilang mga pamilya. Napipilitan silang magtrabaho sa murang edad dahil sa kahirapan. Pagdating ng panahon, makakapinsala ito sa kanilang kapakanan,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education. 

 

Isinulong din ni Gatchalian ang pinaigting na back-to-school program upang tumaas ang enrollment sa rehiyon. Isinusulong din niya ang maigting na pagpapatupad ng Alternative Learning System (ALS) sa rehiyon upang mahasa ang kakayahan ng working population, kabilang ang mga out-of-school children and youth. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -