30.8 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Iba’t ibang aktibidad ngayong Buwan ng Kooperatiba sa Davao City

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINAGDIRIWANG ng City Cooperative Development Office (CCDO), sa pakikipagtuwang sa Davao City Cooperative Development Council, ang National Cooperative Month kung saan itatampok ang kahalagahan ng kooperatiba at ng autonomous people’s organizations na magkaroon ng jointly owned and controlled enterprises.

Ayon kay CCDO Officer-in-Charge Donna España, sa I-Speak Media Forum noong Huwebes, umabot na sa 439 ang akitbong kooperatiba sa lungsod na inaasahang lalahok sa mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon.

Magsisimula ang selebrasyon sa isang programa kung saan ilulunsad ang ‘Larong Pinoy’ tournament sa Rizal Park.

Sa ika-10 hanggang ika-12 ng Oktubre, magkakaroon ng isang cooperative Trade Fair sa NCCC Victoria Plaza kung saan itatampok ang iba’t ibang produkto at serbisyo nga mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs).

Sa Oktubre 14, magsasagawa ang CCDO libreng medical at dental services sa Barangay Baganihan, Marilog. Isang bloodletting activity ang isasagawa sa Oktubre 20 sa San Pedro Cathedral Auditorium na susundan ng isang tree planting activity sa Buda, Marilog kinabukasan.


Pagsapit ng Oktubre 24, ang mga kinatawan ng mga aktibong kooperatiba sa Lungsod ng Davao ay inaanyayang lumahok sa gaganaping Cooperative Leaders Convention sa World Palace.

May inorganisa ring iba’t ibang sports activities ang CCDO kabilang ang bowling tournament para sa mga kawani ng CCDO at mga miyembro ng kooperatiba na gagganapin sa Dover Lanes sa Oktubre 16, 18, 20, 23, at 25, habang badminton naman ang paglalabanan sa Smash N’ Drop sa Oktubre 22.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -