29.6 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 14, 2024

Mga depektibong timbangan sa pamilihang lungsod ng Calapan, winasak

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng Department of Trade and Industry tuwing buwan ng Oktubre ng Consumer Welfare Month, isinagawa ng City Economic Enterprise Department (CEED) ng Pamahalaang Lungsod ang pagsira sa 26 na depektibong timbangan na isinagawa sa harapan ng Calapan City Public Market noong Oktubre 13.

Ang tangke na nagwasak sa mga timbangan sa Calapan, Mondoro. Larawan mula sa Calapan

Sinabi ni CEED Officer, Enp. Nepo Jerome Benter, “Sa pamamagitan ng Operation Pitpit, prayoridad ng lokal na pamahalaan ang pangalagaan ang karapatan ng mga mamimili na makuha ang patas at tamang timbang ng mga produkto na kanilang binibili kaya nararapat lamang na sirain ang mga depektibong timbangan.”
Naging saksi sa pag wasak sa mga timbangan ay si Joy Dinglasan na kumatawan kay DTI-Oriental Mindoro Provincial Director Arnel Hutalla, CESO V, City Administrator Atty. Reymund Al Ussam, City Environment Officer Wilfredo Landicho at mga kawani ng City Engineering Department. (DPCN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -