29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

PPA, handa na sa inaasahang higit 1.4M pasahero sa pantalan sa Undas at BSKE 2023

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGLABAS ang Philippine Ports Authority (PPA) ng “No Leave Policy” ngayong darating na Oktubre 25 hanggang Nobyembre 8 upang masiguro ang buong pwersa ng mga kawani sa pantalan at mapanitili ang mahigpit na seguridad sa itinuturing na peak season ngayong paparating na Undas at Barangay at Sangguniang Kabataan  Elections long weekend sa katapusan ng Oktubre hanggang Nobyembre.

Sa inilabas na memorandum noong ika-23 ng Oktubre 2023, inatasan ni PPA General Manager Jay Santiago ang lahat ng kawani ng PPA ay hindi pinapayang lumiban sa trabaho ngayong panahon na pinakakailangan ng pantalan.

PPA General Manager Jay Santiago

“As the lead agency in the passenger operation of PPA-managed ports nationwide, we have a huge responsibility in ensuring that sea travel of the public, especially during this coming BSKE and Undas, remains to be convenient, safe and responsive to their needs, thus, the implementation of this No Leave Policy,” saad ni Santiago.

Ayon sa PPA, nasa mahigit 1.4M na pasahero ang inaasahang dadaan sa lahat ng pantalan na sakop ng PPA sa buong Pilipinas mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 5, 2023 dahil sa undas at sa Barangay at SK Elections.

Ang forecast ngayong taon na 1,422,406 na pasahero ay 6% na mas mataas sa datos nitong nakaraan na Undas noong 2022 na nasa 1,337,396 bunsod ng pagluluwag ng travel requirements kumpara noong panahon ng pandemic na halos nasa 500,000 pataas lamang ang mga nairecord na pasahero sa kaparehong petsa.

Kabilang sa pantalan na may pinakaraming pasahero ay ang mga pantalan sa Ilo-ilo, Batangas, Babak Port sa Davao, Dumangas Port sa Panay Island, at ang mga pantalan sa Negros Occidental. Habang inaasahan naman ang dagsa ng mga pasahero simula ika-28 ng Oktubre base sa mga datos nitong mga nakaraang taon.

Itinaas na rin ng ahensiya ang security alert sa mga pantalan kabilang ang dalawampu’t limang Port Management Offices sa buong bansa at naka-alerto na rin ang mga Port Police at security forces sa loob at labas ng pantalan.

Kabilang sa seguridad ng PPA ay ang pagkakaroon ng 24/7 CCTV monitoring at ang mga umiikot na K9 units sa mga pantalan bukod pa sa mga x-ray machines at body scanners na kailangang daanan ng mga pasahero.

“Kung maari po ay maaga nating planuhin ang byahe at ugaliing i-check sa inyong mga shipping lines ang oras ng byahe para masiguro muna ang lahat bago pumunta ng pantalan. Wag na rin po tayong magdala ng mga matutulis na bagay sa pantalan para hindi na makumpiska pa”, payo ni Santiago sa mga pasaherong uuwi ngayong long weekend.

Bukas naman ang social media page ng PPA sa mga oras oras na updates at ang linya ng telepono ng PPA na may sasagot 24/7 para sa anumang katanungan sa byahe sa pantalan. Maaring tawagan ang numerong (02) 8711-2360 at i-like ang facebook page ng Philippine Ports Authority. (SDL/PPA/PIA-NCR)

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -