29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Libreng marriage counseling, isinusulong ng BARMM parliament

- Advertisement -
- Advertisement -

ISA sa mga isinusulong ngayon ng ilang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) parliament ay ang pagbuo ng libreng marriage counseling program sa rehiyon ng Bangsamoro.

Ang parliament bill no. 256 o ang “Bangsamoro Free Marriage Counseling Program Act of 2023” ay inihain nina Members of Parliament Tawakal Midtimbang, Bassir Utto, Suwaib Oranon, Mudjib Abu, Mohammad Kelie Antao, at Mosber Alauddin.

Layunin ng nasabing panukalang batas na bigyan ang bawat magkapareha ng mga mahahalagang kaalaman patungkol sa legal at personal na aspeto ng pagpapakasal.

Ayon sa mga may akda ng panukalang batas, ang libreng marriage counseling program ay iaayon sa iba’t ibang kaugalian, tradisyon, paniniwala, at interes ng mamamayang Bangsamoro.

Nakasaad sa nasabing panukala ang pagpapatupad ng libreng pre-marriage counseling, marriage enrichment counseling, at marital crisis counseling.

Kapag naisabatas na ang nasabing panukala, ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang bubuo at magpapatupad ng mga polisiya at programa na may kaugnayan sa marriage couseling. Kabilang dito ang pagbuo ng marriage counseling framework na alinsunod sa cultural at religious values ng bawat Bangsamoro.

Makikipagtulungan din ang MSSD sa iba pang mga tanggapan sa BARMM kabilang ang Ministry of Interior and Local Government, the Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs, the Ministry of Health, and Bangsamoro Darul Ifta’ para sa pagpapatupad ng nasabing programa.PIA/BTA-BARMM

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -