29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Turismo sa Oriental Mindoro, patuloy ang paglakas

- Advertisement -
- Advertisement -

TUMAAS ng 5.84 porsiyento ang tourist arrival sa lalawigan ng Oriental Mindoro, ayon sa pinakahuling talaan ng Oriental Mindoro Provincial Tourism Office para sa buwan ng Setyembre ng kasalukuyang taon kung ihahambing sa parehong buwan ng nakaraang taon.

Mula 21,309 noong Setyembre 2022, tumaas ito sa 22,554 para ngayong taon.

Isa ang Kambal Bato sa bayan ng Baco, Oriental Mindoro sa mga dinarayong lugar sa lalawigan dahil sa angkin nitong ganda at malamig na tubig. (Larawan mula sa PIA MIMAROPA)

Subalit, bumaba naman ang kabuuang bilang ng domestic tourist arrivals sa lalawigan para sa buwan ng Setyembre. Mula 20,134 noong Setyembre 2022, ito ag naging 18,217 na lamang. Marahil ito ay dahil sa iskedyul sa trabaho o paaralan o di kaya naman kakulangan ng sapat na panahon para magbakasyon.

Mayroon arawa makikitang malaking pagtaas ng foreign tourist arrivals ngayong taon kumpara noong nakaraang taon. Sa talaan, aabot sa 269.11 porsiyento ang itinaas ng mga dayuhang turista na pumunta sa lalawigan ngayong taon.

Nananatili pa rin ang bansang South Korea sa mayroong pinakamalaking bilang ng mga dayuhang turista sa lalawigan, sinundan naman ito ng bansang Tsina, Estados Unidos, Japan, at Taiwan.

Nalagpasan na rin ng lalawigan ang bilang ng kabuoang turista na pumunta sa lalawigan noong taong 2022 na may bilang na 334,329. Ngayong buwan pa lamang ng Setyembre, umabot na ang talaan ng mga turista sa 487,767. Inaasahan naman na sa mga darating pa na mga buwan, lalo na ngayong paparating ang Oriental Mindoro Founding Anniversary at kapaskuhan; higit na darami ang mga turista na pupunta sa lalawigan upang magsaya at bumisita sa mga ipinagmamalaking atraksyon ng lalawigan.

Sa kabuuan ay nalagpasan na ng lalawigan ang P3 bilyon na tourism receipts mula sa buwan ng Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan. (JJS/PIA MIMAROPA)

 

CAPTION

Isa ang Kambal Bato sa bayan ng Baco, Oriental Mindoro sa mga dinarayong lugar sa lalawigan dahil sa angkin nitong ganda at malamig na tubig.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -