30.8 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Poverty alleviation efforts ng PCUP, suportado ni DSWD Usec. Villar

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMISITA sa pangunahing tanggapan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary for International Affairs, at Attached and Supervised Agencies (ASAs), Atty. Emmeline Aglipay-Villar upang talakayin ang mga bagay na may kaugnayan sa pagsisikap ng PCUP na bawasan ang pasanin ng mga maralitang tagalungsod sa bansa.

Kasama ni Usec. Villar si DSWD Assistant Secretary Atty. Elaine Fallarcuna, at sinalubong ni PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Elpidio Jordan, Jr. kasama si PCUP Research, Planning and Monitoring Division chief Elsie Aradanas noong Martes, Nobyembre 7, 2023.

“Ikinagagalak ng PCUP na madalaw ng bagong itinalagang Undersecretary ng DSWD at positibo kami na sa tulong ni Usec. Villar, ang mga programa at proyekto ng PCUP para sa sektor ng maralitang tagalungsod ay hindi mawawalan ng kabuluhan,” sabi ni Undersecretary Jordan sa isang pahayag.

Sa pulong, tinalakay ni Usec. Jordan ang mandato ng PCUP na magsilbing ugnay ng mga urban poor sa gobyerno sa pamamagitan ng accreditation program nito, capability strengthening training, livelihood assistance, pre-demolition conferences, at social preparation activities sa ilalim ng EO 69. Binanggit din niya ang iba’t ibang mga inihahandang proyekto ng komisyon para sa mga maralitang tagalungsod at naghihintay na maipatupad sa susunod na taon.

Nagpahayag naman si Usec. Villar ng kanyang suporta at sinabing handa ang kanyang tanggapan na tumulong sa mga ahensya sa ilalim ng direksyon ng DSWD. Nakatuon ang kanyang pagtulong sa komisyon sa pagpapalakas ng koordinasyon nito sa mga LGU, NGA at NGO para magtatag ng mga satellite office ng PCUP sa mga lungsod at munisipalidad.

Bukod sa mga ito, pinayuhan ni Usec. Villar si Usec. Jordan na lumikha ng pangmatagalang programa para sa sektor sa pamamagitan ng pag-institutionalize ng exit mechanism para sa mga urban poor na kumpleto, makabago at sustenable.

“Ang exit program ay isang magandang sukatan para malaman kung paano nakakatulong ang PCUP, sa pamamagitan ng mga proyekto at programa nito, na lumikha ng mga empowered urban poor organizations,” giit ni Usec Villar.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -